Chapter 12

11.5K 358 16
                                    

"Mommy, I want chocolate. Pwede po ba na bumili tayo?" pacute na sabi sa akin ni Nicky sa tabi ko.

Bumaling naman ako sa kanya ng tingin. Hay. Ang hirap kasi na tanggihan ang isang anak. Gagawin mo ang lahat para mapasaya sila kahit alam mong bawal. Ayoko sana na kumain siya ng chocolate dahil baka masira ang ngipin.

Bumuntong hininga ako at tumango sa kanya bilang pahintulot na pumapayag akong kumuha siya. Ayoko kong malungkot siya na hindi ako pumayag sa request niya.

"Sige, anak. Kumuha ka na lang diyan nang gusto mo. Ikuha mo na din ang kuya mo, baka gusto niya din." nakangiti kong pamamayag.

Nakita ko ang pagliwanang nang kaniyang mata at mukha dahil sa sinabi ko.

"Yey! Thank you, mommy. Your the best mommy in the world. I love you, mommy."

Parang may kung ano naman na emosyon ang dumaan sa puso ko. Nag-uumapaw ang saya sa puso ko nang marinig ko ang sinabi ng anak kong babae.

Masaya ako na may anak akong kagaya niya. Masaya ako na naging anak ko sila ni Nico. Hindi ko iyon pinagsisihan.

Yumuko naman ako sa kanya at hinalikan ang noo niya. "Mahal na Mahal din kita, anak. Masaya ako na naging anak ko kayo."

Isang napakasayang ngiti ang ibinigay ko sa kanya habang hawak hawak ko ang kaniyang pisngi. Hinawakan naman nya din ang magkabila kong pisngi. May kung ano ang humaplos sa puso ko sa ginawa niya.

"Mahal na mahal na mahal na mahal din po kita mommy. Masaya ako dahil ikaw po ang naging mommy namin ni kuya Nico. Ikaw ang mommy namin na sobrang sobrang sobrang bait. Proud po ako na ikaw po ang mommy namin." mahaba niyang pahayag sa akin.

Mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpit. At hinaplos haplos ang kaniyang buhok.

"Mommy, I can't breathe na." bigla niyang untag. Kaya tawang tawa naman akong kumalas ng pagyayakap sa kaniya.

"Oops! Sorry, baby, ang sarap mo kasing yakapin nang mahigpit." natatawang paliwanag ko. Pinunasan ko naman ang luha ko. Pinisil pa ang magkabila niyang pisngi. Ang sarap paggigilan ang kaniyang pisngi.

"Huhuhu! shtoph nhah, mhommy!!"

Napailing na lang ako at tinantanan ang kaniyang pisngi. Baka mamaya iiyak pa ang anak ko dahil sa ginawa ko. Baka magtampo siya sa akin. Hehe.

"Sorry ulit, anak.. Ang sarap kasing pisil pisilin sa pisngi e. Nakakagigil. Hmm!"

Lumayo naman siya sa akin at biglang sumimangot.

"Oh bakit ka lumayo ka sa akin, baby?"

Mas lalong humaba ang nguso niya.

"Hmp! Baka pisilin mo na naman po ang pisngi ko e." nakanguso na naman niyang sabi sa akin.

Dahil sa sinabi niya, natawa na lang ako. Bakit ang cute nang anak ko kapag nakanguso? Saan ba siya nagmana? Hindi naman kasi ako cute pagkasimangot. Yun lang ang alam ko. Pero sabi nang iba, cute daw ako, pero hindi ako naniniwala. O baka naman sa ama niya siya nagmana?

Bigla na namang pumasok sa isip ko ang mukha ng lalaking 'yun. Hanggang ngayon hindi ko parin malimutan ang perpekto niyang mukha.

'Paano kaya kung sumimangot siya? Ang kaya ang itsura niya?' tanong ko na lang sa aking isipan..

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang namula ang mukha ko. At kumabog ng malakas ang tibok ng puso ko. Shit! Ang lakas talaga ng tama ko sa lalaking iyon. Ayaw lubayan ang isip ko. Huhu!

Hiding His Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now