Chapter 13

12.2K 314 17
                                    

Dedicated to Kalia_sun. Hello sayo nandito po ang hinihintay mo. Hehe. Don't worry guys sa susunod kayo din ang ide dedicate ko. Heto muna ang nai-published ko. Hehe.

***

"How sad. My fiancee did not remember me." ang katagang yun ang nagpatigil sa kinatatayuan ko.

Para akong naduduwal.

"A-anong p-pinagsasabi mo diyan, Mr? H-hindi kita kilala. At huwag mo nga akong tawaging f-fiancé dahil hindi kita kilala." pagtatanggi ko parin dito.

Pilit ko paring pinipigilan ang huwag manginig pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Ramdam ko sa mga kamay ko ang panginginig. Kaya tinago ko ito sa likod para hindi niya makita ang panginginig nito.

Iniwas ko ang tingin sa kanya. At tumingin sa iba. Hindi ko matagalan ang titig niya sa akin. Parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa mata niyang kulay abo.

Ngumisi siya ng may kahulugan. Kaya medyo kinabahan ako doon.

"Really? Bakit hindi ka makatingin diretso mata ko? Sabihin mo sa akin ang sinabi mong hindi mo ako kilala habang nakatingin ka diretso sa mata ko."

Napalunok ako sa sinabi niya. Shit. Para akong hihimatayin dahil sa sobrang kaba ngayon.

'Bakit ang hirap sabihin sa kanya ang totoo? Akala ko pagnagkaharap na kami masasabi ko na sa kanya ang totoo. Pero bakit ganito? Para akong nawalan ng dila? Nasa harap ko na sya. Pero heto ako ngayon parang binuhusan ng sobrang lamig na tubig. Hindi ko parin pala masabi ang totoo.' kinakabahan kong sabi sa aking isipan.

"Sorry, Mr. pero hindi talaga kita kilala. Kung wala kang sasabihin, aalis na ako." bulaslas ko. Sinikap kong huwag na namang mautal sa harap niya.

Tatalikod na sana ako ng may biglang humablos sa braso ko at hinapit ako papalapit sa kaniya. Kaya ang ending, napalapit ang katawan ko sa katawan niya. Dikit na dikit na ngayon ang katawan naming dalawa.

Parang tumigil ang paghinga ko nang maglapat ang katawan naming dalawa. Ramdam na ramdam ko ang init na nanggagaling sa katawan niya.

Shit. Ganitong ganito ang init ang naramdaman ko nung unang naglapat ang katawan naming dalawa. Isa din 'yun na hindi ko nalimutan sa nakaraan.

Ramdam ko ang pagkapula ng buo kong mukha dahil sa ginawa niya. Ramdam na ramdam ko din ang hininga niya sa bandang leeg ko. Parang magkayakap kami sa pustura naming dalawa. Ramdam na ramdam ko din ang maiinit na matang nakatingin sa amin ni Nicholas. Kahit hindi ako tumingin, alam kong sa amin sila nakatingin.

Dahil sa pustura naming dalawa. Ang pisngi ko ay nakalapat sa dibdib niya. Sa dibdib niyang ramdam ang tigas nito. Mas lalong naging malapad ang dibdib niya at tumigas.

Hindi ko maikakaila na ang daming nagbago sa kaniya makalipas ng sampung taon. Mas lalo siyang tumangkap. Parang hanggang kili kili na lang niya ako.

Yung mukha mas lalong naging matured, noon naman matured naman ang mukha nya pero iba na talaga ngayon. Hindi ko maipaliwanag. Walang nababakas na emosyon sa mata. Ang mata niyang walang emosyon parang hinuhukay ang pagkatao ko.

"You smelled good, my fiancé. Like before. It's addicted."

Nagsitayuhan ang mga balahibo ko sa katawan ng bigla siyang nagsalita. Tumama ang hininga niya mismong mukha. Kaya langhap na langhap ko ang mabango niyang hininga.

Gustong gusto ko na kumalas sa pagkakahawak niya baywang pero ramdam ko na hinihigpitan niya ang pagkakahawak kapag gusto kong kumawala. D*mn.

'Ano bang ginagawa niya? Bakit ayaw niya akong bitawan? Hindi ba siya nahihiya, ramdam ko na andaming nakatingin sa aming dalawa. Sa tingin ko, wala siyang pakialam kung maraming nakatingin sa amin ngayon. Parang ako lang ang nakikita niya ngayon.... Psh. Medyo kapal din ang mukha ko.' sabi ko na lang sa isipan ko.

Hiding His Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now