Chapter 8

12.3K 250 8
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kaharap ko.

"Wow ha! Ang ganda naman nang bungad mo sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pagka-miss mo sa akin. Gustong gusto na nga kitang sabunutan dahil sa pagka-miss ko sayo. Promise. With feelings pa." sarkastikong sabi ng babaeng ito tinaasan niya pa ako ng kilay.

Bigla akong napanguso. Lumambitin naman ako sa kaniyang braso. At binigyan siya nang puppy eyes.

"Hindi ka man lang mabiro beshy. Kahit kailan ang sungit sungit mo parin. Hmp." may tampo kong sabi.

Nakita ko naman na pinaikutan niya ako ng mata at tinaasahan ng kilay.

"Yuck! Hindi bagay sayo ang ngumuso. Ang tanda tanda mo na, ngumunguso ka parin. Psh." maarte niyang sabi. Pero ramdam mo pa din ang angas sa pananalita niya.

"Tsk! Inggitera ka lang kasi. Hindi kasi bagay sa'yo ang ngumuso, kaya ako ang pinagsasabihan mong hindi ko bagay." pagsusungit ko rin na sabi sa kaniya at pinaikutan ng mata. Kala niya siya lang ang may kayang magpaikot ng mata. 

"Di wow! Ano? Hindi mo ba ako papapasukin sa loob ng bahay niyo? Sabihin mo lang kung ayaw mo akong papasukin para makakaalis na ako." bored niyang sabi.

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Ge, makakaalis ka na. Hindi welcome dito sa bahay namin ang babaeng maangas." pagbibiro ko naman.

"Bruha ka, ipapagiba ko 'tong bahay niyo e. Makikita mo." maangas niyang banta. Tapos bigla niyang itinaas ang manggas ng kanyang suot na jacket.

Nag-cross arm naman ako sa kanya at sumandal sa hamba ng pinto. At bored ko lang syang tiningnan.

"Oh tapos?" tanong ko at tumingin sa mahahaba kong kuko.

"Ugh! Ang hilig mo talagang mang-asar bruha ka."

Nagulat naman ako ng bigla niyang hinila ang buhok ko.

"Aray kooo!!!" reklamo ko naman.

Tinaasahan lang ako nang kilay at walang pasabing pumasok sa loob. Kita mo na ang babaeng iyon. Matapos niyang sabunutan ang straight kong buhok, basta na lang papasok sa loob ng walang pasabi. Ingungudngod ko iyon e. Siyempre joke lang 'yun. Baka hindi ko pa nahahawakan ang buhok niya. Ako na ang naingudngud niya sa sahig. Ang angas kaya ng babaeng iyon.

Agad ko munang sinarado ang pinto at sumunod sa kaniya. Nakita ko siyang nakaupo sa couch. Nakaupo na parang lalaki.

"Nasaan ang mga gwapo at maganda kong inaanak? Bakit wala sila dito?" maangas niyang tanong sa akin.

Pinaikutan ko naman siya nang mata.

"Ayusin mo nga yang pag-upo mo." pagsasaway ko sa kanya at umupo sa harapan niya.

"Ano namang masama sa pagkakaupo ko? Tsk." napailing na lang ako sa sagot niya. Hindi talaga matino na kausap ang isang ito.

Siya pala si Alice Amari Perez. Tomboy ang babaeng iyan e. Mapa-babae man o mapa-lalaki hindi sinasanto.

"Oh bakit nakatunganga ka diyan?" tanong ni Ice sa akin. Kaya napabalik ako ng ulirat.

"Ang pangit mo kasi," bored ko sabi at sumandal sa likod ng couch.

"Aray!! Bakit ka ba nang babato ha?" sinamahan ko naman siya ng tingin. Bruhang 'to. Sapakan kaya kami. Tsk.

Tinignan naman niya ako nang masama. Kaya ginantihan ko naman siya. At niyakap ang binato niya sa akin.

Hiding His Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now