Chapter 15

11.6K 256 5
                                    

Dedicated to: miechel_mine10 @jeamay0l @jurinchoe chellieZELLE NickEstabaserikakhay18 glynespilapil @cutepolmar JaimePepito7 @monanskeiz Kalia_sun urmymusic sa hindi ko po nadedicate sa susunod po ulit. Meron na po kayo sa chapter 14. Hehe. Pero huwag po kayong mag-aalala sabay sabay po kayo sa last chapter. Thank you po sa inyong suporta at lahat ng nagkokoment at nagbo-vote.

**********

"Buti nakarating ka?" Nakangiting bungad ko.

"Of course. Ito ang kaarawan nang mga bata. Hindi ko iyun papalampasin."

Bigla akong namula nang bigla siyang ngumiti ng matamis. Halos kapusin ako ng hininga. Bigla bumilis din ang tibok ng puso ko dahil lang sa simpleng ngiti niya.

"P-pasok ka." Sh*t! Bakit ba ako kinakabahan?

'Heart naman huwag ngayon. Maaga pa para lumandi. Baka mahalata niya na may gusto ka sa kaniya.' hiyaw kong sabi sa aking isipan.

Sumunod naman siya sinabi ko. Palihim ko naman siyang tinignan. Bakas sa mukha niya ang may kaba. Habang nakatingin ako sa kanya. Hindi Bilyonaryong tao ang nakikita ko. Kundi isang simpleng tao lang. May nakita din akong emosyon sa mata niya na ngayon ko lang nakita. Hindi tulad noon na walang kaemo-emosyon ang kanyang mata.

"Magagalit ba sila kung nandito ako?" Wala sa sariling tanong niya sa akin. May halong kaba.

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala siya sa akin. Habang ako, hindi ko namalayan na kaharap ko na pala siya habang nakatitig.

'Yung iba diyan halos hindi mo makitaan ang emosyon sa mukha. Parang nangangain ng tao. Hahaha!' sabi ko sa isipan ko.

'Ikaw ba naman ang haharap sa mga anak na ngayon lang nagkita kita. Tignan mo kung ano ang mararamdaman mo.' sabi sa kabilang isip ko.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko dahil sa iniisip ko.

"D*mn! Don't bite your lips."

Napaigta ako bigla ng bigla siyang nagsalita. Gulat akong napatingin sa kanyang mata. Halos kapusin ako ng hininga nang makita kong titig na titig siya sa akin.... Hindi pala sa akin,kundi sa labi kong hanggang ngayon kagat kagat ko.

Bigla na namang namula ang pisngi ko dahil sa sinabi nya. Bigla ding kumabog ang puso.

'sh*t! Pinapakilig ba ako ng lalaking ito? Kung oo, kinikilig na talaga ako. Ugh! Para akong teenager na kinikilig.' halos mangisay ako sa kilig na nararamdaman ko.

Nakakahiya. Sana hindi niya mapansin na namumula ako. Baka mamaya kung ano ano ang iniisip niya. Baka mamaya sabihin niyang may gusto ako sa kanya. Kahit naman totoo 'yun.

Matagal na akong may gusto sa kanya. Kahit sa picture ko palang siyang nakita, na love at first sight na ako. Hindi ko alam kung bakit na lang ang pakiramdam ko sa kanya. Bata pa lang ako siya na ang lalaking minahal ko. Sa nangyari sa amin sa condo niya. Hindi ako nagdalawang isip na ibigay sa kanya ang sarili ko. Wala akong pinagsisihan. Ang pinagsisihan ko lang ay ang nakagawa ako ng masama sa kapwa ko. Pero hindi ako nagsisisi na dumating ang kambal ko sa buhay ko. Napakasaya ko nang dumating sila sa buhay ko. Akala ko mabubuhay ako ng may guilty pero nang dumating sila. Nabawasan ang lahat ng mga iniisip ko. Binuhos ko sa kanila ang oras ko.

Hiding His Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now