Chapter 10

11.8K 274 7
                                    

"Ikaw na bayan Patricia? Ang ganda ganda mo na talaga iha." hindi makapaniwalang sabi ni aling Rosita sa akin.

Lumingon naman ako sa kanya. Nakita kong papalapit sa amin galing sa loob ng kusina. Ang lawak ng ngiti niya habang papalapit sa pwesto namin.

Sinalubong ko naman siya ng may masayang ngiti. At niyakap siya.

"Kamusta po Aling Rosita? Ang tagal na ding hindi tayo nagkita. Lalo ka pong gumaganda a." nakangiting pambubungad ko.

Agad naman akong nagmano sa kaniya.

"Ikaw talagang bata ka, hanggang ngayon lagi mo parin akong binobola. Ikaw kaya ang mas lalong gumanda. Iba talaga ang hiyang nang ibang bansa." natatawa niyang sabi.

"Hindi po kita binobola ha. Totoo kaya ang sinasabi ko."

"Hay naku, sige na nga, maganda na ako." umiling-iling na sabi niya.

Sabay na lang kaming natawa. Si Aling Rosita ay para na rin naming nanay. Lagi niya kaming inililibre ni Alice noon. Mabait siya sa amin.

Umupo naman ako sa tabi ng mga anak ko. Napatingin naman ako bigla kay Nicky dahil bigla itong tumayo.

"Mano po, lola." agad niyang kinuha ang kamay ni Aling Rosita at inilagay sa kaniyang noo.

Nakita kung paano nanlaki ang mga mata ni aling Rosita pagkakita niya sa anak ko. Tingnan niya ako ng saglit at binalik ang tingin sa anak ko..

"K-kaawaan ka nang diyos, anak." medyo utal na ani ng matanda.

Nakangiti lang si Nicky na bumalik sa tabi ko. Sumunod naman si Nico na lumapit sa matanda. At kinuha ang kamay ni Aling Rosita. Hanggang ngayon titig na titig parin siya sa mga anak ko. Bakas sa mukha nya ang hindi makapaniwala sa nakita.

Sino ba naman ang hindi makapaniwala? Umalis ako noo na walang anak, tapos bumalik na may dala dalang mga anak. Psh.

"Lola Rosita, okay ka lang ba? Bakit hindi ka gumagalaw diyan sa kinakatayuan mo?" biglang tanong ng pamangkin ni Alice na si Ace.

Dahil dun, parang nahimas masan ang matanda.

"Ah! Pasensya na. A-Anak mo ba ang gwapo at magadang mga bata na ito, Tricia?" wala sa sariling tanong ni Aling Rosita sa akin. Pero ang tingin nasa batang katabi ko. Busy ang mga bata sa gadgets nila.

"Opo, Aling Rosita. Si Nicky at Nico po pala. Kambal na anak ko." medyo awkward kong sagot.

Tumango tango naman sya at nginitian ako ng malawak.

"Hindi ko alam na nag-asawa ka na pala. Ang gagwapo at ang gaganda ang mga anak mo. Manang mana sayo. Sabagay sa ganda mong iyan, imposibleng walang magkakagusto sa iyo."

Medyo namula ako sa sinabi nya. Gusto ko sanang itama ang sinabi niyang nag-asawa na daw ako. Pero hindi ko masabi dahil nasa tabi ko ang mga bata. At isa pa hindi pa ako handang sabihin sa kanila ang totoo.

Nginitian ko na lang sya.

"Oo nga po e manang mana sa akin. Hehe." sabi ko na lang.

"Kapal mo ha. Sinabihan ka lang na maganda pumapalakpak na ang tenga mo."

Nawala naman ang ngiti ko sa labi dahil sa pambabara ni Alice. Binalingan ko siya ng tingin.

"Inggit ka lang e. Tss." inirapan ko lang sya at binalik ang tingin kay Aling Rosita. Kaasar talaga ang babaeng ito.

"Hindi parin kayo nagbabago. Hanggang ngayon lagi parin kayong nag-aasaran." ani niya.

Hiding His Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now