Chapter 9

11.5K 236 1
                                    

*CLICK*

*CLICK*

*CLICK*

"Hihihi!!!"

Naalimpungatan ako nang may narinig akong bungisngis sa paligid ko. Pero hindi ko naman pinansin iyon. Gusto ko pang matulog ng matagal.

"Mommy's pretty while she's sleeping." narinig kong bulong sa tabi ko at bigla na namang bumungisngis.

"Shh! You're noisy. Baka magising si mommy because of your voice." narinig kong saway.

Nang napagtanto kung sino ang nagsasalita. Napangiti na lang ako wala sa oras. Kahit sa loob looban ko. Sanay na ako sa mga anak ko na paggising ko, sila agad ang nakikita ko. Minsan sila pa ang nanggigising sa akin.

Natatawa na lang ako sa isipan ko dahil sa pinaggagawa nila. Hanggang ngayon naririnig ko parin ang pagtunog ng camera na nakatutok sa mukha ko. Hay naku, kung ano ano ang trip nila.

"Boom!" paggugulat ko sa kanila.

"WAAAAHHHHHH!!!!!!"

"Pffft!!!"

Nakita kong dali daling lumundag si Nicky sa kuya niyang patawa tawa sa isang tabi. Kitang kita ko na ang higpit ng yakap niya kay Nico.

"Waaah! Mommy naman e. You scared me." pagmamaktol niya at kumalas ng yakap sa kambal. At ngumuso pa.

Natawa naman ako sa kanya.

"Aww! My baby is scared." natatawang ani ko.

Nakita ko din na natawa si Nico.

"Mommy naman e. Stop laughing nga. Hmp."

"Yeah! Yeah!" pagsusuko ko at itinaas pa ang dalawa kong kamay.

Lumapit naman sya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Good morning, mommy." masigla niyang bata sa akin at sabay halik sa pisngi ko.

"Good morning too, baby." hinalikan ko din siya sa noo.

Naramdaman ko naman na may pumulupot na braso sa baywang ko.

"Good morning, mom." malambing na bati din ni Nico sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Good morning din, baby." ako at hinalikan siya sa noo.

Nag-uumapaw ang saya sa dibdib ko nang paggising ko ng umaga sila agad ang bubungad sa akin.

Niyakap ko naman silang dalawa sa magkabilang bisig ko.

"Anong gusto niyong breakfast?" nakangiti kong tanong sa kanila.

Napahawak naman si Nicky sa kaniyang baba. Napailing na lang ako.

"I want pancake, mommy." masigla niyang sabi.

"Okay, pancake here we come."

"Yehey!"

Tumingin naman ako kay Nico.

"You want pancake for breakfast, baby?" tanong ko sa kaniya.

Tumango na lang sya bilang sagot. Hay naku ito talagang anak ko na ito, ang tipid magsalita.

"Mga babies, hintayin niyo muna ako dito ha. Maghihilamos muna ako." habilin ko sa kanila.

"Ok po, mommy." sila at humiga sa kama ko. Nakita ko na naglalaro sila sa kanilang mga gadgets kaya nagpatuloy na lang ako sa pagpunta ng CR.

Hiding His Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now