Chapter 17

11K 234 13
                                    

"P-P-Paanong.....?"hindi makapaniwalang ani ko.

Napaangat ako ng tingin sa kanya at tumitig sa kanyang mata. Hindi ko maalis ang titig ko sa mata niyang may dumaan na emosyon. Agad kong binalikan ang tingin ko sa hawak hawak ko. Hindi ko kayang makipagsabayan sa titig niya.

"P-Paano ka n-nagkaganito?"utal kong tanong na naman. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na may hawak hawak akong DNA test tungkol sa mga bata.

Tumingin ulit ako sa kanya pero nakatingin pa rin siya sa akin.

Kaya napakunot ako ng noo.

'kanina pa itong nakatitig sa akin a? Ano bang problema niya sa akin? May plano ba siyang tunawin ako gamit ang titig niya?' sunod sunod kong tanong sa isipan ko.

"P-pwede ba. Huwag mo nga akong t-titigan ng ganyan. N-Nakakailang e."pagsusuway ko sa kanya at salubong ang kilay kong tumingin sa kanya.

Kitang kita ko naman ang pagtaas ng gilid ng labi niya.

"What's wrong? Naiilang kaba?"nakangisi niyang tanong sa akin.

'busyet! Ang kapal ng mukha niya a. Anong pinagsasabi niyang naiilang ako sa tingin. Tss. Kapal. Kaloka.' badtrip kong hiyaw sa isipan ko.

Umirap ako sa kanya. Buti at may lakas loob akong inirapan. Hehe. Hindi ko naman sinagot ang sinabi niya.

"So, paano ka nagkaroon nito? Paano mo n-nagawa?" pag-uulit ko na naman.

"I have my way to find the truth. Hindi ako yung taong maghihintay na dumating ang totoo. I'm not Nicholas Evan Clarkson for nothing. " seryosong sagot niya sabay ngisi ng nakakatakot.

Kinabahan naman ako at biglang napalunok ng laway.

Pero tinatagan ko parin ang loob ko. Taas noo ko siyang tinignan sa mata. Hindi ko alintana ang malalamig niyang tingin.

"No, hindi parin ako naniniwala. Baka mamaya isa pala itong fake." pagmamatigas ko parin pahayag.

Hindi ako basta basta magtitiwala sa kaniya. Alam kong makapangyarihan siyang tao pero ayaw ko parin siyang pagkatiwalaan. Hindi ko alam na baka ginagamit niya lang ang mga anak ko para gantihan ako dahil sa ginawa ko noon sa kaniya. Ayaw kong masaktan ang mga bata dahil ginamit sila.

May nakita kong dumaan na emosyon sa mata niya. Parang nasaktan siya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung guni guni ko lang 'yun o dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko sa kaniya.

"Hindi ka talaga naniniwala sa DNA test na hawak hawak mo? At hindi mo talaga aaminin na anak ko din ang kambal? Then, see you in court." walang emosyon niyang pahayag.

Bigla akong nataranta sa sinabi niya. Nagsisimula na naman manginig ang mga palad ko.

Sa kabila ng takot na nararamdaman ko. Pinilit ko parin na tignan siya sa mata.

"Bakit mo ba pinagpipilitan na anak mo sila ha, mister? Ano ba talaga ang pakay mo? G-gagamitin mo ba ang mga bata para m-makaganti sa ginawa ko noon sayo?" diretsong tanong ko sa kaniya.

Hiding His Twins (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz