CHAPTER 7: FAMILY DINNER

4.3K 113 4
                                    

INA'S POV

Three weeks na akong ginugulo ng tawag ni mommy hindi ko alam kung dapat pa ba akong bumalik o pabayaan na lang ang utos nila sa akin. Kahit na sobrang busy ko sa office hindi pa rin mawala sa isip ko kung anong paguusapan namin, maybe dahil sa mana? But pwede naman nila yung ibigay na lang lahat kay Irene alam naman nila na wala akong pakialam kahit anong gawin nila dun. Unless iba ang nasa isip nila lola ng ipamana ang company? Hayyy!! Napahilot na lang ako sa noo ko, ang dami kong iniisip.

Nakarinig ako ng mahinang katok sa pintuan ko kaya naputol ang pagiisip ko sa bagay na yun.

"Come in."

"Busy?" It was Alex.

"No. Im just thinking about something." Sagot ko sa kanya. I pointed the chair for her to seat.

"Care to share?" She asked me while smiling.

"Mom wants me to go home." I said frustrated.

Nakita kong nawala ang masayang ngiti ni Alex sa sinabi ko.

"But this is your home." Kunot noong sabi niya.

"I know Haha.. I'm just thinking if maybe I should go. Its been what? 7 years?  I have come so far. And I dont want them to think that Im just hiding. Besides im already tired of running away." I sighed heavily.

"Are you sure? What if they manipulate you again? Or worse they wont allow you to come back?" Sunod sunod na tanong sa akin ni Alex. She really care about me.

"Don't worry. Im already an adult Alex. I can decide on my own right now. Para Saan pa at 7 years mo akong tinuruan lumaban? " I answered her while chuckling para mabawasan ang pag-aalala nya saakin.

"Just make sure na hindi ka na naman mapipilit ng parents mo. Ok?" Sabi pa nya ulit.

Tumango na lang ako sa kanya. Hindi nagtagal ang paguusap namin ni Alex kasi kinailangan din nyang asikasuhin ang ibang clients.

>>>>>>>>>>>>>>>

Ngayon ang flight ko papuntang pilipinas. Ang dami kong iniwanan na trabaho kay Alex, na konsensya tuloy ako. Gusto sana niya akong ihatid sa airport pero pinigilan ko na. Baka kasi maisipan kong wag nang umalis pag makita kong umiyak siya.

14 hours and 30 minutes ang biyahe. 4 pm ang flight ko kaya alauna ng madaling araw ang dating ko.

Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano, ramdam na ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Pakiramdam ko lalabas ng wala sa oras ang puso ko. Dapat masaya ako kasi nakauwi na rin ako pero hindi eh!

Nag check in ako sa elizabeth royale palace hotel (a/n: di yan totoo :) ) dito sa Manila. Hindi ko balak magtagal dito sa pilipinas balak ko mga one week uuwi na rin ako.

Hindi pa alam nila mommy na nakarating na ako dito. Magpapahinga muna ako ng 2 araw bago ko sila puntahan.

>>>>>>

Pangatlong araw ko na dito sa manila kaya napagpasyahan kong puntahan na lang sila mommy sa bahay.  Kabisado ko pa naman yun. Tsaka its all over the internet masyadong socialize sila mommy.

Nagpahatid lang ako ng taxi sa bahay nila mommy. Pagkababa ko sa gate, hindi ko maiwasang balikan yung dati kong mga ala-ala. Pigil ang paghinga ko habang pinipindot ko ang doorbell, tatlong beses kong napindot bago may magbukas ng gate. Isang babae ang nagbukas and base on my observation, she's around 22? Nakasuot siya ng pang maid na damit.

"Good morning po! Sino pong hinahanap niyo?" Magalang niyang tanong sakin.

Hindi ko alam kong sino ang sasabihin kong hinahanap. I was about to say my mommy when the gate open widely, lumabas ang isang may katandaang babae.

THE SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED) Where stories live. Discover now