Chapter 31: Marriage

4.5K 90 2
                                    

Chapter 31

Makalipas ang halos isang linggo, inayos ni Ina ang lahat ng kailangan niyang tapusin sa shop niya dahil iiwan muna niya ang pamamahala rito kay Alex. Napagpasiyahan kasi nilang mag-asawa na magbabakasyon sila ng isang buwan.

Si Irene naman ay hinatulan ng 2 taon na pagkakabilanggo, samantalang ibinigay niya lahat ng shares niya sa company ng mga kinalakihang magulang, noong una ay tumanggi ang mga ito dahil sapat na daw ang share nila rito ngunit ipinilit niya na kalaunan ay tinanggap naman nila.

Kasalukuyan siyang naghahanda dahil may family dinner sila ng pamilya ng kaniyang ama. Babalik na daw kasi ang mga ito sa Italy. Nakakalungkot man na isipin ngunit gusto sana niya na makasama pa ang mga ito. Nakagaannan na kasi niya ng loob ang mga kapatid maging ang Kuya Cassian niya na napagalaman niyang Isa sa mga consumer niya ng design sa Paris.

Nang matapos na siyang mag-ayos, bumaba na siya. Nagulat pa siya na nakaupo sa sala si ang kapatid na si Harshini na kaagad tumayo saka siya nakipag-beso sa pisngi.

Harshini is wearing an above-the-knee cocktail dress and a crystal bracelet.

"Shin..  What are you doing here? Akala ko ba sa venue na tayo magkikita-kita?"

"Naiwan po kasi ako." Harshini chuckled. Napangiti siya, hearing her little sister laugh bring joy to her. Specially, ang pagtatagalog nito, na minsan slang dahil off-accent siya. "So I asked Kuya Cassian if you already arrived. That's why I'm here. You can ride with me Ate, Kuya Kaiser told me to not let you drive." tumango siya rito. As usual, her husband being so protective around her. She smiled mentally at that thought.

Magkikita na lang din kasi sila ng kaniyang asawa sa venue dahil manggagaling pa ito  sa opisina.

Nang makasakay na sila sa kotse, pinuri ni Harshini ang kaniyang damit.

She's looking glamorous in an elegant length floor black evening gown, na pinaresan niya ng clutch.

Ang formal dinner nila ay gaganapin sa restaurant ni Alli. Her restaurant is a 4 storey building na napakalawak. May ballroom ito, garden, event spaces at may mini-bar din ito sa 3rd floor at ang garden ay nasa top floor.

Pagkapasok nila sa first floor, nagulat siya na walang tao rito. Tanging mga waiter at iba pang manggagawa ang naroroon. Pumasok sila sa elevator at si Harshini na ang pumindot ng floor na pupunta, at sa 4th floor ito.

Pagbukas na pagbukas ng elevator, namangha siya sa nakita. Lahat ng kaibigan niya ay naroroon. Ang mga magulang ni Kaiser, ang dalawa nitong kaibigan na si Nathan at Ryker. Naroon din ang mga kaibigan niya Si Alli, Alex, Mami phine at maging mga empleyado niya sa shop. Lastly, her 3 siblings, her father and his wife. 

Napakaganda ng kinalabasan ng garden. Hindi niya lubos akalain na may ita-transform pa ito. Nadagdagan ang mga ilaw na nakapalibot dito. Ang mga upuan at table ay maingat na naka-ayos habang may natitirang espasyo sa harapang ng mga ito. At sa gitnang bahagi na naghihiwalay sa mga table, nakahilera ang mga malilit na scented candle sa baba. Napakaromantic ng lugar. At kahit ang simoy ng hangin ay bahagya lamang sa pag-ihip.

Lahat ay pormal na naka-damit. Ngunit hindi pa niya nakikita ang asawa. Balak sana niyang itanong ito kay Harshini nang,  lumipat ito sa kinaroroonan ng mga bisita, lumapit naman sa kaniya ang kaniyang ama, saka pumwesto sa gilid niya at iniangkla ang kamay saka niya. Hindi niya malaman ang gagawin kaya sumunod na rin siya rito na naglakad papunta sa harapan.

At eksaktong paglakad nila, nagplay ang kanta ng Lifehouse na may pamagat na You and me.  Namatay ang maliliwanag na ilaw at tanging ang mga kandila na dinaaran nila at ang mga kandila sa bawat lamesa ang naging ilaw nila.

THE SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED) Where stories live. Discover now