Chapter 23: The Truth pt. 1

4K 104 6
                                    

Chapter 23

"Iha, anak.. Sana pagkatapos mong malaman ang lahat ng katutuhanan sa iyong pagkatao, ay wag mong pangungunahan ng mga kuwestiyon at pangamba ang iyong puso hang'gat hindi mo pa tuluyang nalalaman ang lahat. Naiintindihan mo ba anak ko?"

At dahil sa narinig, Ina's heart hammered and beat so fast. Hindi niya alam kung kakayanin ng puso niya ang kanyang mga malalaman. Parang may kung anong kumakalikot sa puso niya.

"Saan ba ako magsisimula." wika ni nanay Loleng.

FLASHBACK

Nakatayo sa labas ng pintuan ng kwarto ni Katrina si nanay loleng. Naririning niya iyong humihikbi. Magmula pa noong isang araw na nagpunta ito sa hospital para magpacheck-up sa kanyang OB-GYNE doctor, ay hindi na ito tumigil sa kakaiyak at hindi na rin lumalabas ng kwarto. Ulila na kasi ito at wala ng magulang tanging ang kakambal lang nito ang natitira sa pamilya niya at maging ito ay may sarili na ring buhay at nakabukod na din. Mayaman ang pamilya nila Kristina, at buhat ng mamatay sa aksidente ang kanilang mga magulang, siya ang napag-iwanan ng 75% na assets ng kanilang magulang habang 25% lang sa kanyang kakambal na nakababata sa kanya.

Kumatok si nanay Loleng saka nagbakasakaling tawagin ang alaga. "Katrina, anak,..  Lumabas ka na riyan.. Baka mapano ka pa at ang anak mo, ayaw mo bang lumaki siyang malusog? Sige na naman anak, pagbuksan mo na ako ng pinto. Heto at may dala pa akong paborito mong pinya."

Naririnig pa rin niyang humahaholgol ito, ngunit laking pasasalamat niya ng mapagbuksan ito ng pintuan.

"Katrina anak, nakkuu! Aba'y tingnan mo naman ay iyong mga mata, halika sa loob anak." Niyakap ito ng matanda habang patuloy pa rin na umiiyak. 25 taong gulang na ito at magmula ng bata pa ito'y, siya na ang nag-aalaga. Nakahawak si Katrina sa kanyang tiyan habang hinahagod naman ng matanda ang kanyang likod.

"Nay, ang anak ko po.. (sob) N-nay..  Pano na po? (sob) hindi ko po kayang mawalay sa kanya." hagulhol niya.

"Ano ka bang bata ka? Ano ba naman yang pinagsasabi mo?"  napaiyak na rin ang matanda habang patuloy pa rin na hinahagod ang likod ni Katrina.

"Nayyy.."  pilit hinahanap ni Katrina ang boses para magsalita dahil nanginginig na pati ang kanyang mga kamay sa sobrang pagkakahagulgol niya. "N-nay,..  Hindi ko daw po kakayanin... (sob)  s-sobrang palaki ng palaki na daw po ang butas sa puso ko. (sob)  Baka kapag nanganak daw po ako ay hindi ko kayanin."

Napaawang ang bibig ni nanay loleng, alam ng lahat ang tungkol sa kondisyon ng batang ito. Ngunit, mas lumala pa ang kalagayan nito dahil 8 na buwan na siyang hindi nakakainom sa maintenance nito, dahil sa kanyang dinadala. Katunayan nga'y malapit na din ang kanyang kabuwanan.

"Naku, naman itong bata na to..  Wag ka munang panghinaan ng loob. Ano ka ba! Manalig tayo sa maykapal. Walang nakakaalam ng mangyayari anak. Wag mo munang pangunahan ang decision ng ating  maykapal." pagpapaluwag nito sa loob ng alaga.

"N-nay, di naman po sa pinapangunahan ko siya, kaso po nay..  (sob) talagang yun ang nakalagay sa lahat ng check-up ko."

May kumatok sa pintuan at bahagyang sumulyap ang isang kasambahay rin. "May bisita po sa baba. Ang kapatid daw po ni  Ms. Katrina." imporma nito.

"Oh,? Nariyan daw ang iyong kapatid. Pinatawag mo ba siya?"

"Opo nay. Siya na lang po ang naiisip ko na makakatulong sa akin."

"Aba'y, tara na't bumaba at nang makapagusap kayo."

Bumaba sila para kausapin ang bisitang dumating. Kasama ni Kiara ang nakatatandang kapatid ni Katrina ang asawa nito. Nakaupo sila sa couch sa living room habang nililibot ng mata ang kabuuan ng bahay. Napansin naman ng mag-asawa si Katrina na inaalalayan ni nanay loleng pababa sa hagdan.

THE SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED) Where stories live. Discover now