CHAPTER 18: Confession pt. 1

3.9K 92 0
                                    

Kaiser felt wronged for a reason. He feel unfair na hindi pinakilala ni Ina ng maayos ang lalaki but what can he do? He have to respect her decisions and her side.

He also on the other hand has a lot of secrets that he is keeping from his wife.

Alam naman niyang napapansin ng asawa niya ang paminsan-minsang pagkawala niya sa mood. Sa tuwing naalala kasi niya ang lalaki, gustong-gusto niyang tanungin ang asawa pero natatakot siya sa magiging reaction nito.

Habang si Ina naman ay nababahala. Alam niya sa sarili niya na may mali siya pero ayaw niyang mas lumala pa ang discussion kapag ka sinabi niya sa asawa niya kung sino talaga si Evan.

Pagkatapos ng silver anniversary ng parents ni Kaiser, dumiretso si Ina sa shop niya pagkatapos magpaalam sa asawa. She wants to organize her thoughts first.

After some time. Nakapagdesisyon siya na kailangan nga niyang sabihin sa asawa ang tungkol sa lalaki na yun. At ang tungkol sa buhay niya. She wants to open up with him. For a moment she felt relieved at the thought na may masasandalan na siya. Na may pwede nang makinig sa mga hinanakit niya. And that's her husband. Lumabas siya ng shop saka pumara ng taxi at habang nasa loob tinawagan niya ang secretary ng asawa.

"Hello.. Do you know where's your boss.? I mean my husband?" bawi niya agad sa sinabi. Nalaman niyang papunta daw ito sa opisina dahil may nakalimutan daw ito. Kaya sa company na ni Kaiser siya dumiretso.

Pagkababa niya ng elavator, madali niyang nahanap ang office ni Kaiser dahil makailan na siyang nakapagpunta doon. Habang naglalakad may nakita siyang mangilan-ilan na employee na mag o-overnight due to works.

Pagkapasok sa opisina ni Kaiser,  lumapit siya sa table ng asawa para ilapag ang bag. Inikot-ikot niya ang kabuoan ng office ni Kaiser Hanggang sa napansin niya ang isang box na nasa ilalim ng lamesa. Nilapitan niya ito at balak sana takpan dahil nakabukas ito. Pero nagulat siya sa nakita.

Agad kinuha ni Kaiser ang coat saka mabilis na lumakad papuntang garage. Pinigilan pa ito ng ina niya saka tinanong.  "Son. Why are you in a hurry?"

"Mom. I need to see my wife. She's about to know it all. Mom i don't want to scare her." saka nagpatuloy sa paglalakad.

His mother was puzzled kaya tinawagan nito si Ina pero nagriring lang ang phone niya. Tinawagan na lang niya ang secretary ng anak dahil baka may alam ito. "do you know where's my son is going?"

"Hello. Madame.. You're the second person to ask me where's my boss. Papunta po siyang office. "

"what do you mean second?"

"Si Ms. Ina po ung una. Baka nasa office na po un ngaun at hinihintay si Mr. President."

Mrs. Torrealba was shock. Alam niya kung ano ang pwedeng makita doon ni Ina. Lumapit siya sa asawa.

"Hon. I think our son needs our help now." nagaalala niyang bulong dito.

"Why? May nangyari ba?"

"Our daughter-in-law is about to find out Kaiser's secret from her."

"Hon." masuyong wika ni Mr. Torrealba saka marahang niyakap ang asawa. "Let the children figure it out. Not all the time we have to interfere with them."

"But at least Ina would listen to us. Baka hindi niya hayaang makapagpaliwanag ang anak natin."

"Hon. We're talking about Ina here. Kilala naman natin ang batang yun. And if the situation becomes worse. Then that's the time we should step up. Ok?" tumango na lang ang ginang saka niyakap din ang asawa.

Nagmamadaling pinindot ni Kaiser ang button ng elevator papuntang opisina niya. Pagkalabas hindi na niya nagawang batiin pabalik ang mga employees na bumabati sa kanya. All he can think was his wife right at this moment in his office. Agad niyang binuksan ang pintuan saka niya nadatnan ang asawa na nakatayo sa gilid ng lamesa na may hawak na mga papel at ang isang box na nasa harap niya.

"I'm doomed." tanging nasambit ni Kaiser sa sarili.

"Wife. I-i can explain." for the first time in their married days, ngayon lang nakita ni Ina na manyerbos ang asawa. Unti-unting lumapit si Kaiser sa kinaroroonan niya pero napatigil ito sa tanong niya.

"Why did you have my papers at Paris? Bakit nasayo ang mga ito? Dapat nasa kompanya to ng mga pinagapplyan ko noon?"

"Wife. Listen to me first." saka lumapit ulit pero itinaas ni Ina ang kamay senyas na huminto siya.

"Bakit lahat ng tickets sa bawat events na sinalihan ko at lahat ng fashion show invitation letters ko ay nasayo?"
B-bakit may mga record ako sayo? B-bakit nasayo ang address ng dati at bagong tinitirhan ko sa Paris. Bakit nasayo ang contract na pinirmahan ko at ng business partner ko? Bakit nasayo lahat to?"  may halong galit at lito sa boses ni Ina.

Kaiser was dumbfounded at the sight of his wife. Ni hindi pa niya nakkikitang magalit ito ng ganto.

Pilit niyang tinawid ang pagitan nila ng asawa. Saka mabilis na niyakap ito.

"Hear me first wife. Hmm? Please." may pagsusumamo sa boses habang pilit na kumakawala si Ina.

"No! You're.. You..  You know me? The family dinner wasn't our first meeting,  is that it? Bakit may ganto? Bakit nasayo to?" sigaw ni Ina saka marahas na inaagaw ang kamay  niya kay Kaiser na pilit naman siyang kinukulong sa mga bisig nito.

She felt betrayed. Nawalang parang bula ang mga pantasya niya. Akala niya coincidence na siya ang napiling ipakasal kay Kaiser na coincidence na ang pamilya niya ang napili. Akala niya destiny ang nagpatagpo sa kanila na it's their faith. At that thought, she suddenly tears up. Pakiramdam niya niloko siya ng kapalaran. Gusto niyang wag na lang malaman ang lahat kasi natatakot siya sa maaring marinig. Mabilis siyang nakawala sa hawak ni Kaiser saka mabilis na lumapit sa pintuan para umalis. She can't afford to hear the truth. Pero mabilis ang naging kilos ni Kaiser, nahuli siya nito saka mahigpit na niyakap sa likod.

"Wife let's talk first. I promise I'll spill everything here. Just please. Calm down first." hinawakan niya ang balikat ng asawa saka iniharap sa kanya. Then he saw her wife broke in tears. Wala na lang siyang nagawa kundi ang yakapin ulit ito ng mahigpit at hinayaang umiyak na lang muna. Saka marahang hinahagod ang likod ng asawa.

THE SUBSTITUTE BRIDE (COMPLETED) Where stories live. Discover now