Pasilyo

213 3 0
                                    


Ang aking kasiyahan ay abot langit,
Dahil pag-ibig niya'y aking nakamit,
Ang pagtingin na kaytagal ng dalangin,
At palagi kong binulong sa hangin

Ikaw lamang ang bukod tanging naghilom,
Ng mg sugat na nanggaling sa kahapon,
Ako'y handang sayo ay maging matapat,
At pag-ibig ko sayo'y higit sa sapat

Sa bawat pagmulat ng aking mga mata,
Ikaw ang nais iharap sa dambana,
Ang kasama ko sa hirap at ginhawa,
Kahit pa tayong dalawa ay tumanda

Ikaw at ikaw lang sinta pangako,
Hindi hahayaang mundo mo'y gumuho,
Pangakong hindi aalis at lalayo,
Habang buhay ikaw ay iingatan ko

tula ata?Where stories live. Discover now