Ang iyong magagandang mga mata,
Ay tila kumikinang na tala,
Ngiti mo na nakabibighani,
Kay sarap mong itangi palagiBawat pagtagpo ng ating mata,
Ang aking puso ay sobrang saya,
Tila nakakita ng artista,
Kaya't ang ngiti hindi mawalaHindi alam kung pano nahulog,
Ang pusong pagod at natutulog,
Nung una ay aking pinigilan,
Ngunit pag-ibig may kalakasanAlam kong malabong maging akin,
Ang pagtingin na aking dalangin,
Subalit susubukang makamit,
Kahit maging kapalit ay sakit
YOU ARE READING
tula ata?
PoetryWords that my heart wanted to tell the whole world. Some are prose, and some are Tula ata?