Bakit hindi maipaliwanag ang nararamdaman?,
Kapag ikaw ay nakita o nasa harapan,
Mga lungkot at problema ay nalilimutan,
Pati bahid ng masalimuot na nakaraanAng isang katulad ko ay naguguluhan,
Hindi makagalaw kapag ika'y nasa harapan,
Hindi mapigilan ang sarili na mapangiti,
Kahit pa kagatin ko ang aking labiBakit sa karamihan ng tao sa mundo?,
Ako pa itong pinana ni kupido,
Puso'y hindi mapigil ang pintig,
Kapag ngalan mo ay naririnigAko'y nagtataka,
Ano nga bang meron ka?,
Bakit sayo ko lang nakita,
Mga bagay na wala sa ibaSa sandaling oras na nakapiling ka,
Puso'y unaapaw sa tuwa at saya,
Kahit pangiinis mo'y walang tigil,
Pintig ng puso parin ay hindi mapigil
YOU ARE READING
tula ata?
PoetryWords that my heart wanted to tell the whole world. Some are prose, and some are Tula ata?