Sa isang malawak na bukirin,
Isang lalaki ay may hangarin,
Hangarin na sana ay tuparin,
Ng tadhanang mahirap tansyahinKami ay tinuring na bayani,
Bayaning lumalaban palagi,
Pangarap ang syang aming sandata,
Pawis man ay pumatak sa lupaAraw araw ay handang bumagon,
Kahit pa nagbago ang panahon,
Sakaling bukas ako’y yumaman,
Kaya’t sa bukid ako’y lumalabanMaliban sa pagiging mayaman,
May isa akong nais mahagkan,
Ang babaeng tila paraluman,
Dahil ganda nya’y pang kalawakanLarawang puno ng kagandahan,
Ang hawak habang pinagmamasdan,
Ganda mo’y tulad ng mga bituwin,
Gaya ng tanawin sa BukirinAko ay lalaki sa bukirin,
Subalit handa kitang mahalin,
Buhay ko ma’y hindi karangyaan,
Ngunit pagibig ko’y walang hangganNgalan mo’y binubulong sa hangin,
Kahit bihira mo kong pansinin,
Ikaw ay handa paring mahalin,
Kahit malabo kang maging akinIkaw ay hindi pababayaan,
Dahil ikaw ang aking tahanan,
Sa bukid magsisikap palagi,
At palagi kitang itatangiTumaas man ang presyo ng bigas,
Ngunit gutom ay di mararanas,
Ika’y handang mahalin ng wagas,
Mula sa simula hanggang sa wakasWala man sa sinumang minahal,
Ang tumagal at handang sumugal,
Ngunit pipilitin kong abutin,
Ang pagibig mong aking dalanginKung hindi ako ang pipiliin,
Ika’y hindi ko na pipilitin,
Itutuloy nalang sa bukirin,
Ang mga naiwan kong gawain
YOU ARE READING
tula ata?
PoetryWords that my heart wanted to tell the whole world. Some are prose, and some are Tula ata?