Litrato

121 1 0
                                    

Sa kalangitang tila walang bituin,
May munting hiling na binulong sa hangin,
Isang hangarin na sana'y muling danasin,
Kahit malabo ito kung iisipin.

Sa bawat pag-hakbang papalapit sayo,
Tila aking puso ay hindi natuto,
Sa iyong ngiti na tila isang mundo,
Kaya't tibok ay bumibilis ang takbo.

Hindi mawari kung tunay ba ang nangyari,
Ikaw at Ako, sa litrato'y magkatabi,
Tila isang panaginip tuwing gabi,
At kabanatang kaysarap sariwain.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

tula ata?Where stories live. Discover now