Paalam

123 0 0
                                    


Nakahanap ka na ng iyong tahanan,
Itinuturing mo siyang paraluman,
Sa iyong mata siya ay kagandahan,
Tila isang bituin sa kalawakan

Noon akala ko ay may pag-asa pa,
Ngunit napagtantong wala na talaga,
Araw na nalulong sa imahinasyon,
Aram ng balikan ang kahapong iyon

Kung sakaling hindi naman rin lang tayo,
Magkahawak kamay sa dulo ng mundo,
Nais ko nalang magpasalamat siguro,
Kahit pa ang aking puso ay nabigo

Tapos na akong umasa lagi sa wala,
Ang puso ko ay iingatan na,
At kung wala na talagang mapapala,
Sana ikaw ay palagi nang masaya

tula ata?Where stories live. Discover now