Kundiman

145 1 0
                                    

Mula ulo hanggang talampakan mo ay maituturing na kagandahan. Tila sining at bituing nagniningning sa gabing madilim. Kung ihahambing ito sa musika, ito’y kaygandang piyesa. Bawat piyesang binubuo ay may katangi-tangi at kakaibang taglay na walang sablay. Kung ang tulad mo’y isang kundiman, Habang buhay ko itong pakikinggan.

Tinatangi kita mula sa malayo. Masilayan lang ang iyong wangis ay kontento na ako. Gusto kong lumapit subalit iniisip ko na baka sakit lamang ang maging kapalit ng aking paglapit, sapagkat kung di man ako ang tinitibok ng iyong puso, para saan pa ang paglapit ko.

Gayumpaman, tila isa ka paring kundimang handang itangi at ipagbunyi hanggang sa huling sandali kahit kung di man ako ang iyong nais.

tula ata?Where stories live. Discover now