cente

75 1 0
                                    


Matang kumikinang na tila bituin,
Iyong ngiti na kaysarap panoorin,
Sa tuwing ikaw ay aking nakikita,
Puso'y bumibilis at ayaw kumalma

Ang iyong pagiging gwapo at moreno,
Nagpaakit ng aking pagod na puso,
Tahimik ka at bihira kung mamansin,
Subalit ikaw ay aking nais parin

Kung maisipan ko mang aminin,
Ipagtapat sayo ang aking pagtingin,
Maari bang kahit kaibiganin,
Ito'y aking malugod na tatangpin

tula ata?Where stories live. Discover now