Ikaw

205 4 0
                                    


Ikaw na laging gustong pagmasdan,
Kahit mga larawan mo'y tinitingnan,
Ikaw parin ang aking gusto,
Sapagkat hanggang ngayon ikaw ang gusto

Ikaw ang nagparanas sa akin ng pambihirang saya,
Lahat ng lungkot at problema ay nalilimutan kapag nakikita ka,
Kahit pa ang iyong boses ay nasa isipan,
At hindi kayang makalimutan

Ikaw ang nagpabago ng aking mundo,
Mundo kong dati'y walang kulay at magulo,
Sa tuwing naiisip ka sa labi ay may ngiti,
Ginawa mong tahanan ang aking isipan kahit sa gabi

"Ikaw nalang sana"ang laging dalangin,
Kahit may ibang sinisigaw ang iyong damdamin,
Hihintayin ko ang panahon,
Panahon na baka sumangayon,
Na sa akin ang mapaglarong mundo,
Baka sa oras na iyon, ako na ang laman ng puso mo

tula ata?Where stories live. Discover now