Chapter 4 - First day

153 11 2
                                    

Nandito kami ngayon ni Sir Mike sa locker room kung saan pinakita sa akin kung nasaan ang locker ko, may sari sariling locker ang mga staff dito.

Si Sir Mike o Michael yung tinutukoy ni Mr. Guevarra na Manager ng Così Delizioso.

"Here's your key for your locker and here's your uniform" iniabot nito sa akin ang mga ito.

Tinignan ko naman yung number ng locker, "33" bulong ko at tumingin sa gawi ng lockers hinanap ko ang number 33 pero hindi ko makita baka nasa looban pa.

Sa locker room kasi na ito pagkapasok mo makikita mo na agad yung mga lockers na maliliit na nakapaligid sa apat na sulok ng kwartong ito tapos may dalawang pinto dito kung saan may mga malalaking lockers yung pahabang lockers tapos may restroom sa loob.

"Your locker room was in that room" at tinuro yung isang pintuan napansin siguro ni Sir Mike na may hinahanap ako.

"And that room is a restroom while that room where your locker is located has a restroom also" dagdag pa niya.

Ah.. restroom pala yung isa pero teka hindi ba parang special naman ng locker ko dahil nasa loob ng kwarto tapos may sarili pang restroom.

"Ah sir Mike, bat nakahiwalay yung locker ko sa ibang staff?" tinanong ko na baka mag overthink lang ako nito.

"I don't know that's what Mr. Guevarra give it to me, don't worry there's no special treatment here if that's what you thinking" napatango naman ako doon at nakahinga ng maluwag baka kasi isipin ng mga katrabaho ko na may special treatment na nangyayari dito dahil lang sa locker. Ayaw ko may maka away agad dito dahil unang araw ko pa lang dito gusto ko happy happy lang tayo.

"Magbihis ka na para makapagtrabaho ka na" sabay tapik nito sa balikat ko.

"Salamat po sir Mike" tumango naman ito sa akin at tumalikod na ko dito para magbihis na.

"Ms. Ocampo" tawag nito sa akin kaya naman napatigil ako sa paglakad at humarap sa kanya.

"Caileigh o Leigh nalang po" masyado kasing pormal yung Ms. Ocampo para kay Sir Mike.

"Ok Leigh, your station will be in main dish mainly the pasta" pag imporma nito sa akin, tumango naman ako dito at nagpasalamat ulit sa kaniya bago pumasok sa loob ng kwarto kung nasaan ang locker ko.

Pagkapasok ko nakita ko na may dalawang malaking lockers na magkatapatan ang nandito napakunoot naman ako bago lumapit sa pagitan ng dalawang locker at tinignan ito parehas ang nasa kanan ko ay may nakalagay na 34 which is hindi akin habang yung sa kaliwa ang 33 na locker ko.

"May kasama pala ako dito" bulong ko sa sarili ko habang nilalapag sa mahabang couch dito sa gilid.

Pagkalapag ko sa mga gamit ko ay tumingin ako saglit sa paligid at medyo malaki ang kwartong ito mga nasa 30 sq meter ang kwartong ito dahil may couch dito at may mini kitchen dito at maliit na countertop din na sa tingin ko para sa lunch at coffee break lang dahil microwave, mini refrigerator at coffee maker lang ang mga appliances dito tapos tatlong lang yung plato na nandito tapos pagitan ng lockers na ito ay may human size na salamat at parang kabinet din ito dahil may handle akong nakita.

Bago pa mawili sa pag tingin tingin ay binuksan ko na yung salamin at hindi nga ako nagkakamali dahil kabinet nga siya na punong puno ng mga towels, shampoo, body wash etc. napamaang naman ako sa nakikita. Ano ba 'to apartment for rent at kompleto sa mga gamit na kakailanganin ng isang tao yung totoo locker room ba 'to o apartment. Jusko.

Isinara ko itong Salamin na kabinet at binuksan ko naman yung locker ko, at mas lalong napahanga naman ako sa nakita dahil... wala siyang laman. Bukod sa mga hanger na nakaready na.

Risked it AllWhere stories live. Discover now