Chapter 19 - Second Chance?

193 12 8
                                    


"Juls" tawag ko rito.

Nandito pala kami sa pantry at kumukuha siya ng mga ingredients habang ako may hawak ng tray at doon niya nilalagay.

"Can we talk? Please?" pagmamakaawa ko pa.

"We're on work" malamig niyang turan.

"Sa lunch break, pwede?"

"No, I'll have lunch with Alenna" at nilagay ang asparagus sa tray na hawak ko.

"Alenna? Si Anne?" nagtataka kong turan sa kaniya.

She just nodded as an answer.

"Madalas na kayo magkasama" nagtatampo kong saad habang sumusunod pa rin sa kaniya.

"I need her and she's a good company" sabi niya habang inamoy - amoy yung orange na nakuha niya.

Napakunot noo naman ako dahil iba yung tono at ngiti niya 'nang sinabi niya 'yon.

"How about me?"

"What about you?"

"Am I good company too?"

"Not bad" kibit balikat niyang sagot.

"Juls sige na mag-usap tayo"

"Ano ba pag-uusapan natin? Yung pagkagusto mo kay Lesia? Ibinalik niya yung hawak niyang prutas ang tumingin sa akin na nakataas ang kilay.

"Hi-hindi, tungkol sa atin" sabi ko at nilagay ko muna sa tabi yung tray na hawak ko pagkatapos lumapit ako sa kaniya.

"Sa atin?"

"Oo, I want us to give us a chance" sinubukan kong hawakan ang kamay niya.

"Are you serious about that?"

"Oo, I realized na maybe—" hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil sa pagtikhim.

Sabay kaming dalawa ni Julie napatingin sa gawi ng tumikhim.

"It's working hours and yet you flirting here" mataray na saad nito at tumingin ito sa mga kamay naming magkahawak kaya naman dali-dali ko itong binitiwan.

"Miss Guevarra" walang emosyon 'kong tawag sa pangalan niya.

Sumama naman ang tingin niya sa akin pero hindi ako nagpaka apekto sa mga tingin niya dahil simula ng araw na nagkasagutan kami sa parking lot ay nag-iiwasan na kami. Mali ako lang ang umiiwas sa kaniya dahil lagi siyang may inuutos sa akin o kaya kay Juls.

Sigurado ako na may iuutos siya sa akin o kaya kay Juls.

"Ocampo, follow me" see! Kita mo yan lagi nalang.

Akala ko ba nandidiri siya sa akin.

"Juls, seryoso ako sa sinabi ko—" baling ko kay Juls.

"Ocampo!" pagalit na sigaw nito kaya naman wala na ako nagawa kung hindi sumunod.

Dumiretso kami sa office ni Mr. Guevarra kung saan dito siya nago-office pagwala ang tatay niya at siya ang magbabantay ng resto.

Umupo ito sa swivel chair habang ako ay nakatayo lang ng tuwid at walang emosyon sa harap ng desk niya.

"Where's my lunch?" tanong nito at sumandal sa swivel chair pagkatapos pinagkrus ang mga kamay nito sa dibdib.

"Gagawin ko pa lang po" magalang na sagot ko.

"So, you priotized flirting over making my lunch?"

"It's not like that, nag-uusap lang po kam—"

"Really? In what I heard you talking about fixing your relationship" may panunuyang saad nito.

Risked it AllWhere stories live. Discover now