Chapter 9 - Disappoint

137 7 7
                                    

Nasa harap na kami ng kotse niya pero ako, ito tulala sa mga narinig galing sa kaniya kanina.

"Hey, you okay?" sabi niya at hinawakan ang kanang braso ko.

Tinignan ko naman siya at napakunot noo, "A-ano po yung sinasabi niyo sa loob? M-may boyfriend po kayo 'di ba?" tanong ko sa kaniya.

"What's wrong with my answer, I thought we're friends?" balewala niyang sagot at sumandal sa kotse niya.

Napamaang naman ako sa binigay niyang sagot sa akin, "O-opo pero b-bakit po kasi ganun sagot niyo?"

"What's wrong with it? We're friends, Girl-Friend, right?" tumayo na ulit siya ng maayos at humarap sa akin.

Napahawak naman ako sa ulo dahil maling-mali 'yung sagot niya sa mga kaibigan ko kasi bakla ako at hindi niya alam yun, wala rin akong balak sabihin sa kaniya 'yun... sa ngayon, baka kasi maging hindi siya komportable pag nalaman niyang rainbow ako.

"What's your problem ba?" tanong niya dahil ginulo gulo ko yung buhok ko dahil sa inis.

"Kasi naman, baka ma-misunderstood nila yung sinabi mo" sabi ko at hinawi ko yung magulong buhok ko.

"Are you kidding me?" at tumawa siya ng parang nagbibiro ako.

"We're straight, right? I mean I have a handsome boyfriend and I'm straight as a ruler and you.. You don't look like a gay or lesbian for me, so what's wrong? And trust me your friends, they will not think like that to us" mahabang lintanya niya.

Hindi ako umimik at nakatingin lang sa kaniya na hindi makapaniwala dahil sa narinig mula sa kaniya, did she just..

"Are you gay?" tanong niya ng hindi ako sumagot sa kaniya.

Sasagot na sana ako ng magsalita siya, "Please tell me you are not" dagdag niya.

Umiling nalang ako bilang sagot dahil parang ayaw ng mga bibig ko bumukas lalo sa mukha niya 'nung sinabi o tinanong niya 'yun na parang bang madidisappoint siya pag umu-oo ako.

Ngayon yung mukha niya ay parang nabunutan siya ng tinik, "Thank god, I hate gays or the rainbow club." aniya niya na may pandidiri na makikita sa mukha niya.

Nasaktan naman ako sa sinabi niya at ako pa ata ang na-disappoint sa kaniya homophobic pala siya, alam kaya niya na bakla si Nicolo?

"Bakit naman ayaw mo sa Lgbtq community?" seryosong tanong ko sa kaniya.

"I just hate them, especially the gays, ugh I don't want to remember my enemy back in High School."

"Bakit anong nangyari sa inyo ng baklang kaaway mo?"

"Well He pulled my precious hair, how dare he! That ugly ass gay" saad niya at makikita sa mukha niya ang inis, pandidiri at iba pa.

"Anyway, let's drop that topic" pagsara niya sa topic niya na yun at ayaw ko na rin naman din pag usapan 'yun dahil naiinis na rin ako sa mga naririnig galing sa kaniya.

"You going home na ba? I'll take you home"

"Hindi pa, may lakad pa ko" malamig na sagot ko sa kaniya.

Gusto ko muna mapag isa, hindi nalang din ako sasama sa lakad namin nila Nicolo sobrang na disappoint talaga ako sa mga narinig galing sa kaniya at maliban doon ay naiinis pa rin ako sa sagot niya sa mga kaibigan ko, at alam kong alam niya dahil narinig niya 'yung mga sinasabi ng mga kaibigan ko kanina tinawag pa nga kaming Lovebirds tapos ngayon parang wala siyang nariinig tapos sasabihin pa niyang hindi kami mami-misunderstood? Seryoso ba siya?! Homophobic pala siya parehas sila ng boypren niya pakboy na akala mo naman napaka gwapo tsk, magsama silang mga homophobic.

Risked it AllWhere stories live. Discover now