Chapter 13 - Golf Date

242 12 0
                                    

Nagising ako na masakit ang ulo, kinuha ko yung isang unan ko para pantakim sa mukha ko dahil nasilaw ako sa ilaw na nanggagaling sa labas. Ayaw ko na talaga mag-inom, nagclub kasi kami nila Nicolo dahil hindi natutuloy ang hangout namin katulad nalang kagabi hindi nanaman pwede sila Ericson at Kat kaya kami nalang ni Nicolo, pumayag na rin ako dahil gusto ko rin mailabas 'yung stress ko sa isang babaeng ilang linggo na nangkukulit sa akin. Dumagdag pa ang magjowa na napaka err... lalong lalo na si mokong hindi naman nagtratrabaho sa resto palaging nandoon, buntot ng buntot sa jowa niyang maganda na utos ng utos nang kung ano-ano sa akin.

Kung gusto nila maglandian aba wag sa resto mahiya naman sila sa mga single na katulad ko na kinukulit ng ex.

Makipag Comeback na kaya ako?

"Leigh, are you awake na ba?" rinig ko sa labas ng pinto at bumukas ito na may nakasilip na ulo.

Tinanggal ko muna yung unan sa ulo ko at nakita ko ang nakadungaw na ulo niya, cute.

Cute sampalin, usal ng utak ko.

"Y-yeah"

"I made breakfast, c'mon na inaaway na naman ako ng dalawa sa labas" tumayo na siya ng maayos at pinasok ang kalahati niyang katawan sa kwarto ko.

"Sunod ako" sabi ko sa kaniya at bumangon na. Tumango naman siya at sinarado na ang pinto, narinig ko namang ang yabag niya paalis.

Napabuntong hininga naman ako, ilang linggo na rin niya ako sinusuyo at palagi siyang humihingi ng tawad sa akin. I guess napatawad ko na siya, simula nung gabing 'yun dahil sigurado na ko na ayun na yung hinahanap kong mga sagot sa mga tanong na ilang taon na gumugulo sa akin, napagtanto ko na rin na kung gusto ko mag move forward I should forget the past and anticipate the presents.

Tinignan ko muna ang oras sa bedside table ko at nakita ko na 7:18 palang ng umaga, tumayo na ko at pumunta sa banyo para gawin ang morning rituals ko.

I'm still figuring out if I still have feelings for her or talagang naka move on na ako pero kasi nakukuha niya ako kung paano niya ako nakuha dati.

Kahit si Tita Julia, sinusuyo naman si Lola habang yung anak niya ako at si KL. Sobrang determinado sila na bumalik muli sa buhay ko o namin, sabi naman sa akin ni Lola if meron pa pagmamahal na natira ay subukan ko ulit pero kung wala na mas maganda ng patigilin at kausapin si Julie para hindi na itong umasa pa, nakikinig naman palagi ako kay Lola at ayun ang ginagawa ko ngayon. Tinanong ko naman si Lola kung kumusta ang manunuyo ni Tita sa kaniya sabi naman niya ay nagka usap na sila at napatawad na ni Lola sila pero sinabi daw niya na hindi niya ako pipilitin na patawarin ang mag-ina, ayan ang gusto ko kay Lola na hindi niya pinapakialam ang mga desisyon ko sa buhay nandiyan lang siya para gabayan ako sa mga desisyon ko.

Wag ka mag-aalala dahil napatawad ko na sila dahil sa mga pangaral mo sa akin na wag magtanim ng poot sa puso.

Pinatay ko na yung shower at pinunasan ko ang sarili ko, masyado na akong matagal nakababad sa shower at tama na ang muni-muni.

Lumabas na ako ng kwarto ko pagkatapos ko magbihis at ayusin lahat ng kalat sa kwarto ko.

Masarap at mabangong amoy ang bumungad sa akin dito sa kusina.

"Maganda umaga, ate" nakabusangot na bati sa akin ni KL at bumeso sa akin.

"O' ba't nakabusangot 'yang mukha mo?"

"Si Ate Lili po kasi tinatawag niya pa rin akong baby boy eh ang laki laki ko na! Mas matangkad na nga ako po sa kaniya" sumbong niya at ngumuso pa ito.

Aww.. wawa naman ang baby boy namin.

"Ate hindi na nga ako baby boy!" sabi niya at pumunta na sa upuan niya.

Risked it AllWhere stories live. Discover now