Chapter 5 - First Tasked

117 8 1
                                    

A/N: Hi, my Boo's, Happy New Year!!! Thank you for reading this story and I'm sorry for the slow updates, I'm just so busy with my life and acads. Here's a little present for all of you , ingats po kayo lahat, bagong taon na kaya magbago ka na, kimi ^^. I wish, we gonna have a good year xoxo's.


Nagising ako sa ingay ng paligid ko kaya minulat ko yung mata ko na agad ko naman tinakpan ng aking mata dahil tumama ang sikat ng araw, mukhang nakalimutan ko na naman isara yung kurtina kagabi pagka uwi ko galing sa resto hindi na rin ako nakatulong kay Lola dahil nakatulog ko ang sabi kong papahinga lang ako na uwi sa mahabang tulog.

Bumangon na ko na mapungas pungas at pumunta sa bintana ko para hawiin ang kurtina tsaka pumunta sa bedside table ko para kunin yung cellphone ko pero wala akong nakita kaya hinaluglog ko yung kama ko at nakita ko ito sa ilalim ng unan ko, binuksan ko ito at tinignan ang oras at 6:42 am palang ng umaga kaya humiga muna ako saglit para hintayin yung alarm ko na 6:45 am, hindi ko muna pinansin yung ingay na nanggagaling sa labas ng pinto ko at pumikit muna para magmuni muni muna. Ilang sandali lang ay tumunog na yung cellphone ko na kinangiwi ko naman kakapikit ko lang ah ang bilis naman ng 3 minuto na parang 10 segundo lang. Naiinis na pinatay ko na yung alarm at maingay pa rin sa labas pero mas inuna ko nalang muna kumilos kaya naman tumayo na ako at kinuha ko yung tuwalya at binuksan ang cabinet ko para kumuha ng undergarment at isang fitted sando na puti tsaka pumasok sa banyo.

Halos 15 minutes ako sa banyo bago lumabas at binuksan ko na yung pinto para makakain na pinupunasan ko yung buhok ko ng tuwalya habang papunta sa kusina kung saan nanggagaling ang ingay na kanina ko pa naririnig.

Nakita ko sila Amboy at ang mga kaibigan ko na nagbabangayan nanaman.

"Nasaan si Lola?" tanong ko pagkapasok ko sa kusina.

"Nasa palengke lang po ate" sagot naman ni Amboy sa akin.

Binalingan ko naman yung dalawa kong kaibigan na ang aga aga mangapitbahay. Ayun busy sa pagkain ng almusal habang nakataas pa ang mga paa nito sa upuan. Ayos ah talagang feel at home ang dalawang baklang 'to.

"Ate ano po gusto mo kape o chocolate drink?" tanong ni Amboy habang nilalapag na yung plato ko sa lamesa kaya naman lumapit na ko at hinila ang upuan.

"Chocolate nalang, KL" at tinapik nito sa balikat.

"Sige po, ate teka lang po" tumalikod na ito at nagsimula na magtimpla.

Binalingan ko ulit ang dalawa na nasa harapan ko.

"Ano yung ingay na narinig ko kanina?" tanong ko sa dalawa habang palipat lipat ang tingin ko sa kanila.

"Si Annebatot!"

"Si Fried chicken kasi!" sabay nilang sabi kaya napatampal nalang ako sa noo ko at nagsandok na ng kanin, tocino na sinamahan ko na rin ng pritong talong.

"Ang aga aga nandito na agad kayo" saad ko pagkatapos susubo na sana ako ng dumating si Amboy at inibutan ako ng tubig.

"Magtubig ka muna ate at ito na po yung Choco drink niyo po" ngumiti naman ito sa akin.

"Good morning pala, ate" sabay kamot sa ulo nito, mannerism niya yan lalo na pag may nakalimutan siya tapos naalala niya bigla.

"Salamat KL, good morning din" at ginulo ko ang buhok nito na kinasimangot niya kaya naman natawa kami, oo kami kasi nakitawa rin yung dalawa.

Ang swerte din talaga namin kay KL, nagkaroon ng katulong si Lola sa tindahan tapos nagkapatid pa ko na sobrang mabait, masunurin, masipag, matalino at higit sa lahat gwapo. Simula ng naligaw ito sa amin 'nung 10 years old palang ito ay napag pasiyahan ni Lola na ampunin nalang ito dahil nakakaawa ito ng makita namin na sumisilong sa tindahan dahil sa sobrang lakas ng ulan na agad namin inasikaso ang mga papeles sa DSWD dahil ayaw namin na pagdating ng araw ay may pupunta dito at kukunin siya tapos kaming walang laban dahil hindi legal at walang kaming hawak na papeles para paglaban si Kleighd, sinunod ni Lola yung pangalan niya sa akin dahil doon nagkaroon ako ng little brother na sobra 'kong kinatuwa.

Risked it AllWhere stories live. Discover now