Chapter 12 - Closure

192 6 2
                                    

"Leigh" sabi niya.

Kaya naman napatingin sa kaniya lahat ng nasa lamesa dito.

"Do you know her, Julie?" tanong ni Mrs. Guevarra na may pagtataka sa mukha.

Halos lahat sila dito ay mababakasan ng pagtataka at kaguluhan sa kanilang mukha.

"Yes, I know her... very well" she answered while staring straight at my eyes, ganun din ako sa kaniya.

"It's that true, Vau— Miss Ocampo?" tanong naman sa akin ni Dia.

Mula kay Juliette ay binaling ko ang tingin kay Dia na seryoso lang nakatingin sa akin.

"O-opo" pagkasagot ko ay ibinalik ko muli ang tingin kay Juliette na nakangiting nakatingin sa akin.

She's still beautiful at ang ngiting 'yan ang nagpapalambot ng buo kong pagkatao, nasa harap ko na muli ang taong naging mundo ko, naging kaligayahan, naging tahanan ko sa loob ng apat na taon, naging kasangga ko sa mga panahong naging mahina ako siya ang nagbibigay lakas pero siya rin ang taong iniwan ako at unang sumuko sa panahon na pinaglalaban ko kung ano ang meron kami.. dati.

Ngayon hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, nagagalit ako sa kaniya pero may parte sa akin na namimiss ko siya at gusto ko siyang hagkan ngayon. Ang dami kong tanong sa kaniya pero wala ng kwenta ang mga yun dahil matagal ko ng nakuha ang sagot simula ng sumuko at piliin niya ang lalaking 'yun. Dahil sa kaniya nagkaroon na ako ng trauma sa mga Straight at Bisexual dahil alam ko maghahanap at maghahanap pa rin sila ng lalaki at ipagpapalit ako dahil sa mga iba't ibang rason nila. Hindi nalang diretsuhin na hindi sila kontento at satisfied sa kaya kong ibigay, alam ko hindi ko kaya ibigay sa kaniya ang normal na pamilya na gusto niya pero mahalaga pa ba ang sasabihin ng iba tao?

Kung gusto niya ng pamilya kayang kaya ko ibigay 'yun may siyensiya at modernong teknolohiya na ngayon, may IVF o pwede naman kami mag adopt, kung ano gusto niya ibibigay ko. Pero anong laban ko kung nakapili na siya.

"Ocampo"

"Caileigh"

"Caileigh"

Napabalik naman ako mula sa malalim na pag-iisip ko ng may kumalabit sa akin at tinignan ko naman kung sino 'yun at si Ericson pala ang kumalabit, at tinignan ko siya ng may pagtataka.

Pinabalik balik niya yung mga mata niya mula sa akin at sa mga tao sa dining table at ngumuso pa. Napagtanto ko na yung ibig niyang sabihin kaya naman dali dali akong tumingin sa mga tao sa dining table.

"A-ah M-may sinasabi po ba kayo?" nahihiyang 'kong tanong.

"Joined us, kayo rin Nicolo and you two" Mrs. Guevarra said.

Nagdadalawang isip pa rin ako kung uupo ba ako, kasi parang hindi ako makahinga dahil sa mga naisip ko.

"Caileigh" tanong ng kung sino at tinapik ako sa balikat.

Tumingin naman ako kung sino yun at si Nicolo pala.

"You okay?" may pag-aalala na tanong nito sa akin.

Tumango nalang ako at umupo sa tabi ni Nicolo na sa kaliwa ko si Kat na katabi si Ericson. Habang nasa tabi naman ni Nicolo ay Juliette tapos si Tita Julia, mommy ni Juliette. Nasa tapat ko naman si Dia na katabi ang nakakabata nitong kapatid na katabi si Jaspher tapos magkatabi ang mag-asawang Guevarra sa kabilang bahagi naman ni Dia.

Nagulat naman ako ng tumayo si Nicolo tapos "You owe me a story" bulong ni Nicolo bago umupo si Juliette sa upuan nito na ngayon ay katabi ko na, nagpalit pala sila ng pwesto.

Tinignan ko naman ng masama si Nicolo na ngayon ay nagkibit balikat lang tsaka kumuha ng pagkain.

"Hi" bati ni Juliette sa akin.

Risked it AllWhere stories live. Discover now