Chapter 17 - What's your team

263 12 1
                                    


"Uwi muna ako then let's get back here to do the menus" sabi ko at binuksan ang pintuan ng kwarto ni Julie.

"Ok, hatid na kita sa inyo" naunang lumabas si Julie at sumunod.

"Wag na, magcommute na—" napatigil kami dahil sa isang pagtikhim ng isnag tao.

Napalingon kami parehas na natigil din sa paghakbang dahil parehas nakatingin si Nico at Dia sa amin. Nakangising nakakaasar si Nico habang ang isa ay biglang dumilim ang pagmumukha.

Kanina pa ba sila nakatingin sa amin?

"Anyways, I insist hatid na kita" at pumunta sa kusina.

Tumingin nalang ako kay Nico na nandoon pa rin ang ngisi, "What" yan ang tanong ko sa kaniya na walang tunog. Umiling lang ito at kumindat pa.

Kaya sumunod nalang din ako sa kusina para uminom ng tubig habang papunta ako sa kusina ay nakasunod si Nico sa akin.

"Uuwi ka?" tanong niya.

"Oo" at napadako ang tingin ko kay Dia na nakaupo sa couch habang hawak ang tasa ng kape at masamang nakatingin sa akin, napalunok naman ng laway dahil doon.

"Doon ka sa kwarto ni Julie natulog?" tanong niya ulit pero yung tingin ko lang ay sa babaeng ang sama-sama ng tingin sa akin.

"Oo— huh..H-hi—" naputol yung sasabihin ko ng sumigaw si Julie mula sa kusina.

Kaya naman pumunta na ako sa kusina at iniwasan kong tumgin sa gawi ni Dia.

Umagang - umaga ang sama agad ng timpla ng mood niya. Naalala ko pala na naglasing siya kagabi, ngumisi ako, Inom pa tuya ko sa isip ko.

Pagkatapos uminom ng tubig, kumuha ako ng isang cookie at kinagatan ito, pagkatapos ay lumabas na kami ng kusina.

"I'll come with you" sabi ni Dia at lumapit sa akin sabay hablot ng cookie na nasa kamay ko at kinain niya yun ng buo.

Nauna na siyang lumabas ng unit ni Julie. Sumunod na rin ako lumabas dahil kinausap pa naman ni Julie si Nico.

"Did you guys sleep together?" biglang tanong ng taong nasa likod ko.

"No... nakiligo lang ako at humiram ng damit sa kaniya" paliwanag ako at kumamot sa ulo ko.

"And then?"

Napakunot noo naman ako.. Ano pa gusto niya malaman?

"Huh?" may sasabihin pa sana siya ng lumabas si Julie.

"Let's go" sabi ni Julie.

Nasa likod kami ni Julie habang naglalakad, "Hakdog, tss" rinig kong bulong ni Dia.

Tumingin ako sa kaniya pero siya diretso lang ang tingin niya, kaya naman tumingin nalang ako sa harap ko rin. Nakita ko sa peripheral view ko na tumingin si Dia sa akin kaya tinignan ko at tama nga nakatingin nga siya sa akin pero bigla ako nito inirapan.

Nasa loob na kami ng elevator, "Nasaan ang kotse mo, bakit ka sasabay iba ang daan namin at baka magtagal kami sa kanila" sabi ni Julie habang nakatingin siya kay Dia pero ito si Dia ay walang emosying nakatingin lang sa harap, nakikita ko yung repleksyon niya sa pintuan ng elevator.

Biglang tinignan naman ako ni Dia mula sa repleksyon kaya napaayos ako ng tayo.

"I'm coding" tipid niyang sagot.

Biglang naman nagbukas ang elevatoir at nauna na siyang lumabas.

"Ok" mahinang sabi ni Julie.

Tahimik lang ang naging biyahe namin hanggang sa makarating kami sa amin.

Risked it AllWhere stories live. Discover now