Chapter 10 - Aloof

176 8 2
                                    

A/N: Happy 1K reads t,t Thank you so much to all of you. xoxo. Love. Respect.Kindness.


Pagkatapos ng gabing 'yun ay bihira nalang ulit kami magkita ni Miss Lesia, ayaw ko na rin siyang tawaging Dia kasi parang hindi kami bagay maging kaibigan at lalong lalo na magjowa, kasi hindi ko siya type at straight si madam. Hard pass tayo mga 'tol.

"Grabe naman umorder 'yung taong 'yun" sabi ni Kat patungkol sa isang customer namin kanina.

Nandito kami ngayon sa Locker room dahil lunch break namin.

"Oo nga eh halos orderin' na niya lahat sa menu natin" sabi naman ni Ericson.

Napailing nalang ako tsaka sinandal ang ulo sa pader, "ang tagal naman ni Nicolo" sabi ko sa utak ko.

Sa labas kasi kami kakain dahil na umay kami kanina sa customer na tinutukoy nila. Si Nicolo naman ay pinatawag ni Sir Guevarra kaya ayun nasa office siya ngayon at hinihintay namin.

Patuloy lang sila sa pag-uusap habang ako pinikit ko muna yung mga mata ko dahil medyo puyat ako dahil sa babaeng wala naman dito at 'nung Martes pa siyang huling dumalaw dito Biyernes na ngayon.

Pagkaroon ng ilang minuto ay bumukas na ang pinto at iniluwa 'nun si Nicolo.

"Buti naman nandito ka na Chef Nico" sabi ni Kat.

"I have an announcement" saad ni Nicolo na nakuha naman nito ang atensyon ko kaya umayos ako upo at tumingin ako sa gawi niya.

"Magsasara tayo mamaya ng mas maaga" pag-anunsyo niya habang kinukuha yung polo niya sa loob ng locker niya.

"Bakit d—" naputol ang sasabihin ni Ericson.

"Later, I'll tell further but now let me change so that we can now" pagkasabi niya 'nun ay pumasok na siya sa loob ng restroom.

Nagkatinginan naman kaming lahat dito at sabay sabay nagkibit balikat na ikinatawa ko sa isip ko.

It's friday kaya malamang sa malamang tuwang tuwa mga yan este kami pala, kahit hindi na namin malaman kung bakit maaga kami magsasara ang mahalaga, maaga kami makakauwi. Yung mga sinusupil na ngiti at saya ng mga mukha nila ay hindi maitatago.

Sino ba kasing ayaw doon, iniisip ko pa nga lang 'yun ay gustong gusto ko humiga sa kama ko.

Pagkaraan ng ilang taon este minuto pala ay lumabas na si Nico sa restroom at nako napaka bango at ang gwapo.

"Let's go, I'm hungry na" sabi niya sa lalaking lalaki na boses.

Nagsi tanguan naman kami at sabay sabay lumabas.

Naglalakad na kami ngayon, walking doistance lang daw kasi yung gusto namin pagkainan na si Kat ang may pakana at nagsuggest.

Habang naglalakad kami habang tinitignan sila sa harap ko dahil nagpapahuli ako, ay napaisip ako kung alam din ba nila Kat, Ericson at iba pa naming kasamahan sa Kusina na Bakla itong gwapo naming Sous Chef ganunpaman it's not his responsibility to make public, privacy pa rin niya naman 'yun lalong lalo na sa society natin.

"Food for your thoughts?" natigil naman ako sa pag iisip dahil sa taong nagsalita na ngayon ay nasa tabi ko na at sumasabay sa paglalakad ko.

Tumingin naman ako sa kanya na nakakunot ang noo. Medyo matangkad si Nico sa akin ng kunti, I'm 5'10 at 6'0 si Nico.

"Ang lalim ng iniisip mo, ano ba 'yan? Si Lesia ba?"

Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi, paanong nadamay si Lesia dito?

Risked it AllWhere stories live. Discover now