Chapter 11 - Juliette

164 10 1
                                    

Nakarating na kami sa bahay ay hindi pala, mansiyon ito dahil sa sobrang laki at lawak ng hardin nila. Nakakamangha at yung mansiyon nila, it's scream luxury sa sobrang ganda.

Pagpasok mo ng malaking gate nila ay sa kanang bahagi ay ang open parking space area na sobrang lawak din may mga parking sheds din for bicycle, motorcycle, may mga sports bike at classics motorcycle. Tapos ang makikita mo naman sa open parking space ay ang iba't ibang high end cars, may mga lamborghini, ang pinapangarap kong kotse na McLaren tapos may iba pang kotse na nandito.

Sa kaliwang bahagi naman ay malawak na bakuran nila, na may mga iba't ibang bulaklak sa gilid at ang gitna naman ay tanging bermuda grass lang. Pagdating naman sa Exterior design ng bahay nila ay masasabi kong bago lang 'to dahil sa moderno na disenyo na nito, Puti ang overall na kulay ng mansion nila tapos may balkonahe sa 2nd floor nito at para na siyang glass mansion dahil sa nakapaligid dito.

"Let's go?" rinig ko sabi ni Nico pero hindi ako tumingin sa kaniya dahil namamangha pa rin ako sa mansion nila tanging tango lang ang naisagot ko sa kaniya.

Narinig ko naman na humagikgik siya kaya naman napatingin ako sa kaniya.

"You seems amused" sabi niya habang nakangiti at tumingin din sa mansion.

"Ngayon lang kasi ako nakapasok sa ganitong kalaking bahay na mansiyon" parang batang saad ko.

"Well, you haven't seen the Interior, baka mas lalo kang mamangha" napatingin na ulit ako sa kaniya.

"So, let's go?" at inilahad nito ang braso nito kaya tumango ako at humawak sa braso niya.

Nagsimula na kaming maglakad at nakita ko ang grand door, pero nagtaka kung bakit nilagpasan namin yun kaya naman napatingin ako sa kaniya.

"Unfortunately, we are Chefs here not a visitors, kaya sa likod tayo dadaan" napatango nalang ako sa napanguso, oo nga pala trabaho ang pinunta namin dito.

"Don't worry you will more amused on what you will see" rinig kong sabi niya at may tinuro siya na sinundan ko naman ng tingin.

Napanganga naman ako dahil may fish pond sila dito at may mga koi na may malalaki at maliliit din.

"You can take out your feet sa small pond, tatanggalin nila yung mga deadskin at baho ng paa mo."

"Hoy, ang kapal ng mukha mo hindi mabaho ang paa ko!" at bumitaw na ko sa kaniya para hampasin siya.

Tatawa tawa naman siya kaya naman napairap nalang ako. Kahit kailan talaga itong baklang 'to.

"Tara na sizt" sabay pasok sa pintuan kaya naman sinundan ko nalang siya.

Pagka pasok namin ay isang hindi masyadong malaking kusina, yung pangbahay na kusina ba. Bigla nalang dumilim dahil sa isang damit na napunta sa mukha ko.

"Get dressed, Ocampo" sabi ni Nicolo.

Tumango naman ako, "Nasaan po yung iba?" tanong ko habang sinusuot ang uniform.

"They're outside, dirty kitchen" at naghugas na siya ng kamay. Napatango tango ako at nagpokus nalang sa pagsusuot ng damit.

"Chop chop, Ocampo" rinig ko ulit na sabi niya habang pinupunasan na ngayon ang kamay.

"Yes, Chef" sabay punta sa sink para maghugas na ng kamay.

Napa buntong hininga nalang ako dahil sa Work mode on nanaman siya at paniguradong strikto at masungit na naman si ackla.

Sa totoo lang isa 'yan sa hinahangaan ko sa kanya na pag oras ng trabaho, trabaho walang kaibi - kaibigan pag nagkamali ka, pagsasabihan at papagalitan ka, pero alam ko parte talaga 'yun ng trabaho we should be Professional in our work labas ang friendship pag oras ng trabaho.

Risked it AllWhere stories live. Discover now