Prologue

13 2 0
                                    

Prologue

Hindi mapakali si Molly habang nakaupo at hinihintay na tawagin ang pangalan niya.

Mag a-apply siya ng trabaho at ngayon ang interview. Kailangan niyang makapasa dito dahil kung hindi baka palayasin na sila sa bahay.

Isinangla kasi nila ang bahay noong nagkasakit ang kaniyang ama. Dahil kapos sa pera wala silang magawa kundi isangla ang bahay. Kaya ngayon ay naghahanap siya ng trabaho upang mabawi nila ang bahay.

Iyon na lang kasi ang naiwang ala alala ng lolo nila sa kanila bago ito mamatay.

" Ms. Quiozon." agad akong napatayo ako ng tawagin ako ng babae. " You're next." Ngumiti ako at tumango at sinundan ito.

Huminga ako ng malalim. "Nasa loob na si Mr. Garcia at hinihintay kayo".

Tumango ulit ako at nagpasalamat. Nang umalis na ang babae huminga ulit ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses.

"Come in" sabi ng isang baritonong boses.

Unti-unti akong pumasok. Nakatungo ito habang may binabasa kaya hindi ko makita ang kabuang itsura nito.

Naglakad ako malapit sa table at umupo.

"Have I told you to sit?"

Agad akong napatayo sa sinabi niya. Hala! Minus point agad ako.

"Sorry po.." kinakabahanag sabi ko.

"Sit down." ha? Siraulo ba siya? Kanila lang pinatayo niya ako tapos ngayon pauupuin ulit ako? Kung di ko lang kailangan ng trabaho, mukang may sapak pa ata sa ulo yung magiging boss ko ah.

Huminga muna ako ng mamalim at umupo sa tapat niya. "Sabi sa resume mo, grumaduate ka sa high school as a valedictorian at sa college naman ay magna cumlaude. Tama ba?"

" Yes, sir." Hindi pa rin siya nakatingin sa'kin. Pilit kong tinitingnan ang mukha niya. Para kasing pamilyar siya.

"At nakalagay dito na kailangang kailangan mong makakuha ng trabaho. At sabi pa dito it is a matter of life and death. Tama ba?"

" Yes, sir."

" Bakit?"

Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Nagkasakit po ang tatay ko kaya wala po kaming choice kundi isangla yung bahay namin para po may pambayad kami sa ospital. Kapag nalaman po ng tatay ko na isinangla po namin ang bahay para lang maipagamot siya paniguradong aatakihin na naman siya sa puso. Iyon na lang po kasi ang iniwang pamana sa kanya ng lolo ko kaya paniguradong masasaktan siya kapag nalaman niya iyon kaya naman gusto kong matanggap sa trabaho para mabawi ulit namin ang bahay.

Ani ko sa kanya. Hindi ito sumagot at may tinawagan sa intercom.

"Pauwiin niyo na lahat ng nag aaply. May nahanap na akong bago kong sekretarya."

Sa kauna unahang pagkakataon ay humarap sa akin ito. "You're hired."
seryosong ani nito.

Habang ako gulat na gulat hindi dahil sa natanggap na ako kindi dahil sa katotohanang kaharap ko ang taong pilit kong iniiwasan at kinakalimutan noon.

Bakit kailangan ko pang makita ang taong kinalimutan ko na? Bakit kailangan pa magtagpo ulit ang landas naming dalawa sa ganitong sitwasyon?

How can I forget the first man I ever loved?

He still has the look that can make your knees weak. His fiery and cold eyes, his pointed nose, his kissable lips and his chiseled jawline. He looks more matured.

After all these years he still have the power to make me lose my mind.

Does he know that I love him? Does he know that?

I bet, not. Paano nga naman niya malalaman iyon kung sa iisang tao lang siya nakatingin.

All I did was to love him. And all he did was to hurt me.

**

Unrequited LoveWhere stories live. Discover now