Chapter 06

Lagi na akong pumupunta sa rooftop. Tuwing recess at lunch lagi akong nagpupunta dito.

Lagi kong nakikita si Kyrie. Napagtanto ko na dito talaga pala siya madalas tumambay. Minsan nga lang wala siya dito. He's my senior, kaya naman iba kami ng schedule.

Lagi silang una kung umuwi kaya hindi ko siya nakikita tuwing uwian kaya tuwing lunch lang talaga ko siya nakikita.

" Oh." tiningnan niya ang pagkaing inaabot ko.

" What's that?"

" Pagkain." sabi ko ngunit hindi niya pa rin kinukuha. " Niluto 'yan ng mama ko, masarap 'yan wag kang mag alala."

Pero hindi niya pa rin ito kiniha kaya napabuntong hininga nakang ako. " Okay lang kung ayaw mo."

Binuksan ko sa harapan niya ang pagkain. Buti na lang may lumang table sa rooftop at silong para hindi masyadong maiinit.

Sumubo ako ng pagkain sa harapan niya. Bahala siya kung ayaw niya.

Akmang bubuksan ko ang lunch box na dapat kay Kyrie ngunit agad niya ito kinuha na siyang kinagulat ko.

Binuksan niya ito at nagsimula ng kumain. " Tsk, arte arte kakain din naman pala." sabi ko ngunit para siyang walang narinig at nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos kaming dalawa kumain. Agad ko siyang tinanong. " Ano masarap ba?" nakangiting tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan siyang uminom ng tubig.

Tumango ito dahilan para mas lumaki ang ngiti ko. " Syempre masarap talaga 'yan, mama ko nagluto e." mapagmalaking sabi ko.

Narinig kong natawa siya sa sinabi kaya naman napatigil ako at pinagmasdan lang siyang tumawa.

Napatigil si Kyrie nang mapansing nakatitig ako at pinitik ang noo ko.

Napahawak ako doon at tiningnan siya ng masama. " Stop staring."

Napasimangot naman ako bago ngumiti ulit at binago ang usapan. " Ba't pala lagi ka ditong nakatambay?"

Humiga ulit siya sa may silong at pinagmasdan ang kalangitan habang ako ay nakaupo sa sahig at pinagmamasdan naman ang mukha niya.

" Tahimik." kung sa bagay, nakakarelaxed talaga dito kasi tahimik at maganda ang view. Masarap matulog.

" Ikaw?" di ko inaasang magtatanong din siya sa akin.

Kasi nandito ka..

Gusto ko sanang sabihin iyon. " Wala akong ibang mapuntahan e, kung sa garden ako pupunta maraming tao at hindi rin ako makakapagpahinga kaya dito na lang." nakangiti sabi ko havang pinagmamasdan ang kalangitin.

Sa gilid ng mata ko ramdam kong nakatingin sa'kin si Kyrie.

" Wala ka bang kaibigan?" tanong niya sa'kin.

" Naiwan ko ang mga kaibigan ko sa dating school na pinapasukan ko noon." simpleng sagot ko.

Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Mahabang katamikan ang bumalot sa pagitan namin hanggang nagpasya na akong magsalita. " Sa totoo lang, ayoko talagang lumipat ng ibang bahay at school pero wala akong magagawa kasi iyon ang gusto ni papa. Kahit ayaw ko wala akong magagawa. Iniintindi ko na lang dahil alam kong gustong alagaan ni papa si lolo dahil may sakit na ito."

Ngumiti ako sa kanya. " Dating OFW si papa sa Taiwan pero umuwi siya dahil kay lolo samantalang si mama naman isang simpleng house wife. Dalawa kaming nagkakapatid at ako ang panganay. Hindi kami mayaman pero hindi ko rin matatawag na mahirap kami."

" Sa totoo lang, ang hirap mag adjust. Hindi ako friendly na tao kaya nahihirapan akong makipagkaibigan dito pero wala akong magagawa, ayokong ipagpilitan ang gusto ko kasi alam kong mahihirapan lang si papa lalo. Ayoko ng dumagdag sa problema."

Hindi siya nagsalita kaya naman tumingin ako sa kanya. Nakita kong nakatingin din pala siya sakin dahilan upang magtama ang paningin namin.

" B-bakit?" naiilang na sabi ko. Kanina pa ba siya nakatingin?

Umiling ito at wala sa sariling natawa. Samantalang ako ay nagtataka sa nangyayari sa kanya.

" Bakit ka natawa?" naguguluhang sabi ko.

Umiling lang ito at bahagyang ngumiti. " Wala, may naisip lang akong nakakatawa."

Kumunot ang noo ko. " Ano naman iyon?"

" Malabong mangyari iyon lalo na sa katulad ko."

Ha?

Bago pa ako makapagtanong ay tumalikod na siya. Pinagmasdan ko ang likod niya. Weird..

**

Inamim ko na mahal ko si Kyrie. Hindi naman talaga nawala iyon e. Time passed but my love for him never change. Kahit kaunti ay hindi kailanman nagbago.

Natawa na lang ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung tanga ba ako o ano.

6 pm ay hinatid na ako ni Gab sa may bahay. Pinapapasok ko pa nga siya pero tumanggi ito at sinabing may aasikasuhin pa siya.

Maaga akong pumasok dahil nga sa nangyari. Baka manay sabihin ni Kyrie na umaalis ako sa oras ng trabaho tapos late pa akong dumating.

Pasara na ang elevator kaya naman hinayang ko ang kamay ko at laking gulat ko nang makita kung sino ang nasa loob noon.

" Hindi ka ba sasakay?" malamig na sabi nito kaya naman dali dali akong sumakay. Si Kyrie na mismo ang nagpindot kung saang floor dahil pareho lang naman kami ng pupuntahan.

" Ah, sir, um, about po sa nangyari kaha-"

" It's fine. Nagpaalam na naman si Gab sa'kin. Wag kang mag alala hindi kita sisesantihin." seryosong sabi nito.

Tiningnan ko ang mukha niya kung seryoso ba ito sa sinabi nito. Tumango ako at bahagyang ngumiti. " Thank yo-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bumukas na ang elevator at dali daling lumbas.

Hindi man lang niya pinatapos ang sasabihin ko. Lumabas ako at sinundan siya at umupo sa desk ko.

Hindi pa nag iinit ang pwet ko sa upuan ng pinatawag niya ako. Agad akong tumayo at kumatok sa opisina niya.

" Sir?" lumapit ako sa may table ni Mr. Garcia.

Tumingin siya sakin at may itinuro sa may gilid ng table niya.

Tiningnan ko kung anong tinuturo niya at nakita ko ang sadamak-mak na papeles.

" Ano pong gagawin ko po dyan, sir?" takang tanong ko.

" Dahil nga umuwi ka ng maaga, maraming tambak na trabahong hindi natapos. Tapusin mo 'yan ngayong araw. Ayoko ng nali-late."

Gulat kong tiningnan ang papeles sa table niya. Ang dami!" But sir, kalahating araw lang po ako nawala at sigurado po akong natapos ko lahat ng mga gawi-"

" Tapusin mo 'yan ngayong araw. Kung hindi mo kaya, magresigned ka. Ayoko ng trabahanteng tamad at tumatakas sa trabaho para lang sa walang kwentang dahilan. Hindi porket kaibigan ko ang dahilan ng pag absent mo ibig sabihin palalagpasin ko na iyon. Hindi kita tatanggalin wag kang mag alala pero sa susunod ba gawin mo pa ulit iyon, maghanap ka na ng bagong trabaho."
malamig na sabi niya.

Nanggilid ng luha ko sa sinabi niya. Tumango ako at pekeng ngumiti. " Wag po kayong mag alala, tatapusin ko po lahat ng mga naiiwan kong trabaho. Hindi ko po sasayangin ang binigay niyong pagkakataon sa'kin."

Tiningnan niya ako sa mata. " Good, makakaalis ka na."

Kinuha ko ang mga papeles sa table niya at lumabas.

And even then and now, you still have the power to hurt me, Kyrie.

**

Unrequited LoveWhere stories live. Discover now