Four

4 1 0
                                    

Chapter 04

Lagi na akong kinukulit ni Gab. Walang araw niya akong hindi sinundan at sa totoo lang nakakainis na!

Tulad na lang ngayon.

" Sabay tayong mag lunch. Libre ko." aya niya sa'kin pero hindi ko siya pinansin. Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad papuntang cafeteria. Bahala siya sa buhay niya.

" Uy, Yssable. Dali na, sabay tayong kumain."

" Close tayo?" inismiran ko siya. Lumapit siya sa akin at dumikit.

" Oo." ngumiti pa siya. Inambahan ko siya ng suntok ngunit lumayo na agad siya.

" Lunch lang naman ah. Ba't ayaw mo?" nakasimangot na sabi niya.

" Bahala kang kumain mag isa mo."
kainis! Ang kulit kulit.

" Bahala ka, ipapakilala pa man din kita kay Draven."

Napatigil ako sa paglalakad. Draven?

Tiningnan ko siya. " Sino naman 'yon?"

Tiningnan niya ako ng may pagtataka. " Hindi mo kilala? Siya yung bumuhat sayo papuntang clinic."

" Si Kyrie?" gulat na tanong ko.

Napataas siya ng kilay sa sinabi ko." Nagpakilala siya sa second name niya?"

" Second name niya yung Kyrie?" takang tanong ko.

Tumango naman ito. " Ba't paramg gulat na gulat ka na nagpakilala siya sa second name niya? Pangalan din naman niya iyon ah?" para kasi itong gulat na gulat.

" I just find it weird because Draven doesn't like to be called by his second name. Not even his friends, not even me.."

Ganon ba ka-big deal para sa kanya yung pagsasabi ni Kyrie ng second name niya sa'kin? Weird.

" So, sasabay ka na sa'min?"

" Ha? napabalik na lang ako sa realidad ng tanungin niya ulit ako. Nakangiti na ulit siya ngayon. Inirapan ko siya pero pumayag na rin.

Pumasok kami sa cafeteria at nakita namin nakaupo si Kyrie. Agad kaming lunapit doon.

" Bro, bro! Si Yssable pala. 'Yong na head shot ko!" tiningnan ko siya ang masama. Pwede niya naman akong ipakilala ng wala ng kasunof na head shot ah. Talagang pinaalala niya pa.

Tiningnan ako ng seryoso ni Kyrie bago binalik ang tingin kay Gab. " Hindi pa ba tayo kakain?" malamig na sabi nito.

Tumawa lang si Gabi at tinanong ang order niya. Isinama ako ni Gab papunta sa line.

" Do you like him?" bulong niya sakin. Nasa likod ko siya na kapila.

" Ano naman ngayon kung gusto ko siya?" Balik na tanong ko sa kanya. Mukhang alam niya. Hindi ko naman tinanggi.

Hinarap ko siya at tiningnan ko siya ng seryoso. Naghahamon.

" You can like him but don't like him too much, Yssable." nagulat ako sa sinabi niya ngunit hindi ko pinahalata.

" Why?"

Tiningnan niya ako ng seryoso. He leaned forward so he can whisper to my ear. " I just don't want you to get hurt. Kaibigan ang turing ko sayo kaya concern ako sayo kahit na lagi mo ang sinasabunutan. You can like him but too much, Yssable."

**

" Tangina! Sa lahat ng pagdadalhan mo sa'kin talagang napili mo pa 'tong lugar na ito. Nananadya ka ba, ha, Gabriel?" galit na sabi ko sa kanya.

Imbis na matakot, natawa pa siya. " Ayaw mo no'n maalala mo yung tamis ng kahapong 'di na magbabalik."

Umakto akong natawa sa sinabi niya. " Gusto mo na bang mamamatay?" mas natawa pa siya.

Tiningnan ko siya ng masama. Kung iumpog ko kaya yung ulo niya sa may manibela? Kaso hindi naman ako ganon kasama para gawin 'yon.

Akmang sasabunutan ko siya ngunit mabilis siyang lumabas ng sasakyan kaya naman wala na akong nagawa kundi ang lumabas at sumunod sa kanya.

Pinagmasdan ko ang lugar kung saan ako madalas pumunta noong high school pa ako. Mga masasakit na alaala na ayaw ko ng balikan ngunit pilit pa ring bumabalik.

" Bakit nga ba mahal kita, kahit na may mahal ka nang iba~"

Tiningnan ko si Gab na kumakanta sa tabi ko. Sinipa ko yung tuhod niya.

" Ah!" napahawak ito sa sinapa ko. Napangiti ako. Halatang nasaktan siya. Naka heels pa naman ako. Buti lang sa kanya 'yan.

Umupo ako sa nay buhangin, walang pakialam kung matumihan man ang skirt ko. Hayop talaga 'tong si Gab. Naisipan pa akong dalhin ulit sa beach na 'to.

Pinagmasdan ko ang kalangin. Palubog na yung araw. Sa tagal ba naman ng byahe at traffic e.

" Hindi ko alam na siya pala ang magiging boss ko." biglang usal ko.

Naramdaman kong bumaling si Gab sa'kin ngunit hindi ko iyon pinansin at pinagpagmasdan lang ang tanawin.

" I know." doon na ako tumingin sa kanya. Ngumiti siya sa akin at tiningnan ang tanawin. " Kasi alam kong hindi mo susubukang mag-apply doon kung alam mong siya yung magiging boss mo."

Natigilan ako. Tama naman siya e. Hinding hindi ako mag-apply kung alam kong makakasama ko si Kyrie pero wala na naman akong magagawa dahil kailangan ko ng pera at isa pa hindi ako makakatangi dahil tinanggap agad niya ako.

" He doesn't remember me."

Narinig kong napatawa si Gab sa sinabi ko. " Naniwala ka naman."

" Ano bang sinasabi mo dyan? Hindi niya talaga ako matandaan. For him, I'm nothing but a mere stranger."

Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko. " Stranger amputa. Alam mo, Yssable, minsan ang tanga mo, ano?" tiningnan ko siya ng masama. Nagsisimula na naman siya.

Humarap siya sa akin. Natigilan ako. I touched his face to check on his cut.

" Anong nangyari dito? Nag away ba kayo?" tanong ko habang hinahawakan pa rin ang sugat malapit sa labi niya.

" Hindi ka ganon kadaling kalimutan, Yssable. Kahit sino hindi ka agad makakalimutan kahit si Draven man 'yan. Imposible... kasi nag iisa ka lang."

**

Unrequited LoveWhere stories live. Discover now