Three

8 1 0
                                    

Chapter 03

Naglalakad ako ngayon papasok ng gate ng school. Isang linggo makalipas mula nang magyari ang insidente. Hindi ko na nakita si Kyrie. Lagi akong nagpupunta sa may soccer field pero wala talaga siya e.

Imposible namang sa iba siyang school dahil nakasuot ito ng school uniform ng school na 'to.

Baka hindi lang talaga siya madalas magpunta sa soccer field.

Napabuga na lang ako ng hiniga. Ba't ko ba siya hinahanap?

Ngunit napatigil ako sa pag iisip ng may umakbay sa akin. Sa isip kong isa siyang manyak.

Agad kong ginamit ang self defense na natutunan ko sa pinapanood kong video sa youtube.

Hinawakan ko ang braso niya at pinilipit iyon pagkatapos ay sinipa ko pa ang isa niyang binti para mapaluhod siya.

" Aray! Aray!" tiningnan ko ang mukha nung lalaki at agad ko itong namukhaan.

Agad ko itong binitawan dahilan para mapahiga siya sa sahig. Ito yung nakatama ng bola sa ulo ko ah?!

" Grabe ang sakit! Saan mo natutunan 'yon?!" nakatayo na ito at hinahawakan ang braso niyang pinilipit ko.

" Ano bang kailangan mo?" naiinis ng sabi ko.

" Wow, grabe, di man lang magsorry. Ang sakit nung ginawa mo. Balak mo pa atang baliin yung braso ko!" nakasimangot na sabi ni nito.

" Hindi ko na kasalanan 'yon. Bigla bigla ka na lang mang aakbay na parang close tayo. Kasalanan mo rin kung bakit mangyari sayo  'yan. Kung wala ka ng sasabihin aalis na ako." tumalikod ako at naglakad umalis ngunit hinawakan niyang braso ko.

Tiningnan ko siya at takot niyang inalis ang pagkakahawak sa braso.

" Ano ba kasi?" nauubos na pasensya ko ah.

" Gusto ko sanang mag sorry sa nangyari last week pero dahil sa ginawa mo wag na lang!"

" Okay." tumalikod na ako. Hindi ko naman sinabing magsorry siya e.

" 'Yon na 'yon?! Di mo man lang ako pipilitin?!" humarang pa talaga siya sa sa dinadaanan ko.

" Pake ko sa sorry mo. Tabi nga!" inis kong hinawi ang muka niya. Bwiset na buhay 'to. Ang kulit.

" Sige na nga. Sorry na!" sigaw niya. Pinagtitinginan na kami ni ng mga estudyante. Kalalaking tao ang ingay.

Binalingan ko siya. Nakasimangot. " 'Ge lang." sabi ko at naglakad na ulit.

Naramdaman kong sinundan niya ako at tumabi sa'kin. " I'm Gabriel. Gab for short." pakilala niya.

Tiningnan ko ang kamay niyang nakaalok sakin. " Whatever." hindi ko iyon tinanggap at tuloy-tuloy na naglakad.

" Nice to meet you, Molly Yssable Quiozon!" napatigil ako sa sinabi niya.

Paano niya nalaman ang buong pangalan ko?! Lalo na yung second name ko?!

Tiningnan ko siya ngunit isang mapang-asar na ngiti ang sumalubong sa'kin. Kinindatan pa niya ako bago tumalikod at naglakad paaalis.

Seriously, what the hell is his problem?

**

" Yssable!" napatakip pa ito ng bibig animo'y gulat na gulat ng makita ako pagkatapos ay lumapit siya sa'kin at niyakap ako.

Tuwang tuwang siyang makita ako.
" Masaya akong makita ulit kita. Kamusta ka na?"

Tiningnan ko siya. Grabe, hanggang ngayon feeling close pa rin siya. Bago pa ako makasagot biglang nagsalita si Mr. Garcia.

" Why are you here?" tiningnan nito si Gab. " And stop hugging my secretary." lumapit siya sa'min at inilayo kay Gab.

" Gusto ko sanang bisitahin ka. Hindi ka na kasi nagpapakita. Baka mamaya nakidnap ka na o ano." paliwanag niya at umupo pa sa may sofa. Feel na feel amputa.

" Teka nga! teka nga! Ba't nandito ka, Yssable?" takang tanong niya sa'kin. Ngunit bago pa ako magsalita si Mr. Garcia ang sumagot no'n

" Bingi ka ba? Di ba sabi ko secretary ko siya." naiinis na sabi ni Mr. Garcia. " And stop calling her Yssable. Tawagin mo siyang Ms. Quiozon."

Natigil kaming pareho ni Gab. Anong problema nito?

" Desisyon ka, brad? Tatawagin ko siyang Yssable kasi gusto ko at isa pa pangalan niya naman 'yon. So why bother calling her Ms. Quiozon?"

" Ms. Quiozon.." napabaling ako kay Mr. Garcia ng tawagin niya ako. " Iwan mo muna kami. May pag uusapan lang kaming dalawaa." hindi niya inaalis ang tingin kay Gab.

Napabaling ako kay Gab. Tumango at ngumiti lang ito sa'kin.

Lumabas na ako ng opisina. Ttiningnan ko pa ang pinto ng office ni Mr. Garcia bago umupo sa desk ko.

Siguro naman hindi sila magsusuntukan sa loob 'di ba? Magkaibigan sila e.

Napabuntong hininga na lang ako at napagpasyahan kong gawin na lang ang trabaho ko.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag aayos ng mga kontratang pipirmahan ni Mr. Garcia nang makarinig ako ng kalabog galing sa loob ng opisina at  biglang lumabas si Gab.

Napatayo agad ako nang makita ko ang pasa sa gilid ng labi niya. Napatingin ito sa'kin at naglakad palapit sa akin. Bago pa ako makapag tanong kung anong nangyari, hinila niya ako.

Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. " Hoy! Saan mo ako dadalhin? May trabaho pa ako!"

Pinagtitinginan na kami ng mga ka-empleyado ko. " Gabriel!"

" Wag kang maingay. Alam ni Draven na isasama kita kaya manahimik ka dyan." seryosong sabi niya.

Alam ni Mr. Garcia?

Sumakay kami sa kotse niya. Tiningnan ko ang muka niya kung seryoso siya.

Tiningnan niya ako at hinawi ang muka ko. " Ano ba?! Baka mamaya madumi pa yang kamay mo!"

" Stop looking at me!" binatukan ko siya.

" Wag mo akong sigawan!" naiinis na sabi ko.

" Kapag ako ang sumigaw, bawal?! Tapos pag ikaw pwede?! Unfair!"

Sinabunutan ko ang kulot niyang buhok. Kaiinis!

" Aray! Aray! Tama na, Yssable! Masakit! Titigil na ako!"

" Wag mo sabi akong sisigawan!" mas hinigpitan ko ang kapit sa buhok niya.

" Paano ako hindi sisigaw kung ang higpit pa rin ng kapit mo sa buhok ko!"

Ay oo nga no?

Agad kong binitawan ang buhoy niya. Sinamaan niya ako ng tingin. " Grabe, napaka amazona mo."

Inirapan ko lang siya. " Saan ba kasi tayo pupunta?"

Pinaandar niya na ang sasakyan. " Secret."

" Bwiset ka." inis kong sabi sa kanya kaya naman natawa siya at hindi na nagsalita.

Bumaling ako sa may bintana at tiningnan ang mga nadaanan namin.

Saan kaya ako dadalhin ng hinayupak na 'to?

**

Unrequited LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant