Nine

4 0 0
                                    

Chapter 09

" This is kidnapping!" sigaw ko habang hila-hila ako ni Kyrie kung saan.

" Anong kidnapping? Sumama ka kaya ng kusa." inis niyang sagot sa'kin.

Oo nga 'no?

" Pero akala ko naman kasi sa nagbibiro ka!" katwiran ko sa kanya. Umiling naman ito sa sinagot ko.

Aba't ang sarap ng tulog ko tapos gigising ako para dalhin kung saan. Sabado ngayon kaya walang pasok kaya gusto kong humilata lang sa bahay pero itong si Kyrie pumunta sa bahay at binulabog pa ako.

Tanong ng tanong tuloy si mama kung ka-ano ano ko daw si Kyrie. Alangan naman sabihin kong 'Ma,Pa, future son-in-law ninyo nga pala.' Edi pinukpok ako sa ulo ni mama.

" Saan mo ba ako dadalhin, ha, Kyrie. Siguro naman may maganda kang dahilan dito? Ginising gising mo ako e!" angal ko sa kanya pero ang mokong hindi man lang nag abalang sumagot.

" Ba't ayaw mong sumagot?! Kapag ito trip trip lang, makikita mo talaga! Makiki-umm-" tinakpan niya ang bibig ko kaya hindi ako makapagsalita.

Tiningnan niya ako ng masama kaya tiningnan ko din siya ng masama. Shit! Ang pogi!

" Manahimik ka, pwede? Wag kang mag alala wala akong gagawing masama sayo kaya wag ka ng maingay dyan."

Psh, fine! Kung di ko lang siya crush ginamitan ko na siya ng self defense na ginamit ko kay Gabriel.

Ay teka nga, hindi ko na nakikita yun ah? Saang lumalop naman kayo nagsuot iyon?

" Nasaan nga pala si Gab?" tanong ko. Tiningnan niya ako saglit pero hindi siya nagsalita.

" Hindi ko na kasi siya nakikita e, saan kaya 'yon nagsusuot? Lagi ang ginugulo no'n kaya nagtataka ako kung bakit wala siya. Alam mo ba-"

" Ako ang kasama mo pero iba ang hinahanap mo."

Ha?

Tiningnan ko si Kyrie. " Ano bang sinasabi mo? Tinatanong ko lang naman kung nasaan ang kai-"

" Stop thinking another man. Stop thinking Gabriel, Molly. Kapag ako ang kasama mo ako lang dapat ang nasa isip mo."

Napanganga ako sa sinabi niya. Sa sobrang gulat ko hindi na ako makapagsalita.

Nagtaka ako nang pumasok kami sa isang boutique. " Anong gagawin natin dito?" tanong ko habang pinagmamasdan ang kabuuang lugar.

Mukhang manahalin ang mga damit dito at mayayaman ang bumibili.

Lumayo ako kay Kyrie dahil nakikipag usap siya sa isang sales lady ng boutique. Lumapit ako sa isang damit at tingnan ang presyo.

Halos lumuwa ang mata ko sa gulat. What the hell?! Ten thousand?! Sa isang damit lang gagatos ka ng ten thousand?!

Agad kong binitawan iyon at bumalik sa tabi ni Kyrie.

Hinawakan ko ang damit niya at bumulong. " Kyrie, umalis na tayo dito. Tiningnan ko yung isang damit at halos mahimatay ako sa presyo." hinila ko na yung braso niya paalis ngunit napabalik ulit ak sa pwesto ang higitin niya ako, kundi niya lang ako hawak baka natumba na ako.

Alanganin akong ngumiti sa sales lady na nadito pa pala sa harap namin. Pinagmamasdan kami.

" Sumama ka sa kanya."

" Ha?" Tiningnan ko siya. Ako ba tinutukoy niya?

Tinulak niya ako ng bahagya palapit sa babae. Teka lang!

Hindi na ako nakaangal ng higitin na ako ng babae. May hinanap pa ito at binigay sa akin ang kulang itim na dress.

Tiningnan ko pa iyon. " Naku, Miss! Hindi ho ako bibili!"

Unrequited LoveWhere stories live. Discover now