One

10 2 0
                                    

Chapter 01

June of 2018

Unang araw ng klase bilang isang first year high school student.

Wala akong kakilala dahil tranfer student lang din ako. Hindi ko gustong lumipat ngunit wala naman akong magagawa dahil si papa ang may gusto na lumipat kami.

May sakit kasi ang tatay ni papa. Ang lolo ko. Gusto niyang alagaan ito dahil wala na rin namang mag aalaga kay lola dahil kakamatay lang nito.

Nasa ibang bansa si papa no'n noong mamatay si lola. OFW kasi si papa ngunit ngayon na may sakit si lolo ay umuwi siya para alagaan ito dahil wala na ring mag aalaga kay lolo dahil ang ibang kapatid ni papa ay nasa ibang bansa at dahil si papa ang pinaka matanda ay siya na lang ang nagprisinta na mag alaga kay lolo.

" Asaan ba dito yung building?" nainis na bulong ko. Kanina pa ako paikot ikot dito pero di ko pa rin makita yung building ng first year.

Ba't naman kasi ang laki ng school na 'to?

Napakamot na lang ako sa ulo habang palinga linga.

Tiningnan ko ang mga estudyante na nagkukumpulan sa isang lugar.

Sa pagbabakasaling nakapaskil doon kung nasaan ang building ng first year agad akong naglakad patungo doon ngunit napasigaw ng may tumama sa ulo ko.

" Aray!" sa sobrang lakas ng impact napahinga ako sa sahig.

Pucha naman o, gusto ko lang naman mahanap yung building ng first year!

" Miss, are you alright?"

Agad akong umupo at humawak sa ulo ko. Nahihilo pa ako.

Anong alright?! Muka ba akong alright?! Nahihilo pa nga ako e!

Sisinghalan ko na sana yung nakatama sa ulo ko ngunit nakita ko ang lalaking katabi niya kaya agad akong napatigil.

A guy who has a very handsome face, a nice pair of eyes, his small and pointed nose and his heart shape kissable lips, damn..

Napalunok ako sa tagpong iyon. Kahit pawis na pawis ito hindi mapagkakailang napaka gwapo ng lalaki.

Tug. Tug.

Fuck, why is my heart beating so fast?

**

" Hi." napatingin ako sa bumati. "Ako nga pala si California. Cali for short"

Umupo ito at inilahad ang kamay sa akin. Agad ko itong tinanggap. " Molly." maikling pakilala ko at ngumiti.

Mukang nagtratrabaho din si Cali dito. Obvious naman kasi nandito siya. Alangan namang nandito siya dahil bored siya at para tumambay lang.

" So, ikaw pala ang bagong secretary ni Mr. Garcia?" tumango ako bilang agad.

Grabe naman unang araw ko pa lang pero kalat na agad na ako yung bagong secretary.

" Kilala mo ako?" kunot noong sabi ko.

Tumango naman ito, " Kalat sa buong building na nakakita na si Mr. Garcia ng bagong secretary."

" Oh." grabe naman ang chismis ang bilis kumalat.

" Matagal ng naghahanap si Mr. Garcia ng bagong sekretarya niya noong nagresign yung dati niyang sekretarya kaso wala siyang makita dahil lahat ng nag aaply ay mga babaeng may gusto sa kanya." napatango naman ako. Kaya pala ang daming nag aapply noong nag apply din ako.

" Nagulat nga ako ng may manahap na siya at mas nakakagulat pa ay isang babae." napatingin ako sa kanya at nagtatakang nagtanong.

" Bakit?"

" Ayaw niyang may gusto sa kanya yung mga empleyado niya lalo na kung sekretarya niya kaya naman lalaki yung dati niyang sekretarya at may katandaan na."

Sobrang dami niyang ikwenento sakin hanggang sa natapos na ang lunch break.

Umupo ako sa table ko at tingnan ang office ni Mr. Garcia.

Inalala ko ang mga nangyari kahapon. Halos hindi ako makapagsalita sa gulat. Akalain mo 'yon nagkita pa ulit kami.

Pero mukang hindi niya ako maalala . Ganon ba nagbago ang itsura ko kaya hindi niya ako maalala? Pero naalala ko naman siya.

Molly, crush na crush mo siya noon kaya naalala mo siya.

Tumunog ang intercom. Tinatawag niya ako.

Agad akong tumayo. Kumatok muna ako bago pumasok. Nakita ko siyang nakaupo habang nagbabasa ng mga papeles.

Lumapit ako sa may table niya, " Sir, may kailngan po ba kayo?"

Tumigil ito sa pagbabasa at tumingin sa'kin.

" Gusto kong malaman ang schedule ko for the whole day." seryosong sabi niya.

Tumango ako at binasa sa kanya ang mga gagawin niya sa hawak na tablet dala dala ko.

" 12:30 pm, you have a meeting with Mr. Chua, 2:00 pm, you have another meeting with Mr. Mercado,
and 6:00 pm, you have dinner with Mrs. Garcia." sabi ko sa kanya habang binabasa ko yung schedule niya.

" Cancel the third one." seryosong sabi nito.

" Po? But sir, Mrs. Garcia, your mom is expecting you to-"

" I don't care. Cancel that dinner or I'll fire you." madiing sabi nito.

Napabuntong hininga na lang ako at tumango bago nagpaalam ng umalabas.

Pagka-upo ko sa aking table ay agad kong tinawagan ang sekretarya ni Mrs. Garcia.

Sasabihin na lang daw niya ito kay Mrs. Garcia.

Napahawak na lamang sa ulo ko at pumikit.

Hanggang ngayon pala hindi pa rin sila maayos..

**

Unrequited LoveWhere stories live. Discover now