Eleven

2 0 0
                                    

Chapter 11

Nakangiti akong pumasok sa school. Isang linggo ang nakalipas mula nung family dinner nila Kyrie pero hanggang ngayon sobrang saya ko pa rin.

Todo ngiti ako habang nasa klase at inspired na inspired akong sumagot sa mga recitation. Hanggang pagdating ng lunch ay masaya prin ako.

Sino ba naman ang hindi sasaya pag nakatanggap ka ng compliment lalo na galing pa 'yon sa crush mo?

Hay, Kyrie, mahal na ata kita..

" Mukhang masaya ka ah?" tumango ako kay Gab.

Nagpakita na pala si Gab. Hindi ko naman tinatanong kung bakit siya nawala since hindi naman kami close. At chaka baka mamaya isipin niya namimiss ko siya e.

" Mukha kang tanga." Imbis na mainis at saktan siya ngumiti lang ako kaya naman nagtaka siya kasi kalimitin sinasabutunan ko siya kapag nang aasar siya.

Pasalamat ka at masaya ako ngayon. Palalagpasin ko 'yan.

" Oh." binigay niya sa'kin yung pagkain ko. Inibre niya ako ng lunch. Lagi naman niya akong linilibre at syempre sino ako para umangal. Libre 'to 'no!

" Bakit ka nga kasi masaya?" tanong niya ulit.

" Wala lang." nakangiti pa ring sabi ko.

" Ang weird mo naman today. Sa sobrang weird nakakatakot. Baka mamaya kunwari masaya ka tapos may binabalak ka palang gawin sa'kin ha!" akusa niya sa akin.

" Psh, wala akong balak sayo ah!"

" Aba! Mabuti nang handa!" sigaw niya sa akin kaya pinagtinginan kami.

Tingnan mo 'to. Parang sama ko naman sa paningin niya? Hindi ba pwedeng maging masaya. " Tumiligil ka nga! Wag mong sirain ang araw ko, Gabriel."

Hindi siya sumagot at sinimangutan lang ako. Ngumiti ako habang kunakain. Kapag napapatingin ako kay Gab nakikita ko siyang nakatingin habang umiiling.

Ngumiti lang ako. Walang sisira ng araw ko ngayon.

Bumalik na ako sa klase at hanggang matapos ang klase at hanggang sa mag uwian hindi nagbago ang mood ko.

" You look happy." nakangiting sabi ni Sofia. Ngumiti ako at tumango sa kanya.

Naging kaibigan ko rin si Sofia. Hindi man ko man matatawag na close kami pero kahit papaano tinuturing ko siyang kaibigan ko.

Hindi ako palakaibigan. Sa buong buhay ko meron lang akong isang kaibigang pinagkakatiwalaan kaso wala siya dito. Doon kasi siya nag aaral sa dati kong pinapasukan. Miss na miss ko siya.

" Bakit naman?" takang tanong niya.

" Sabi kasi ng crush ko maganda daw ako." kinikilig na sabi ko kaya nanglaki ang mata ni Sofia. Napatakip pa siya ng bibig para pigilang sumigaw.

Napatawa namn ang sa reaksyon niya. Medyo OA ah. " Omg! Really?!"

Tumango ako at ngumiti. " I even meet his family. Sinama niya ako sa family dinner nila kasi birthday ng daddy niya."

" Wow.." manghang manghang sabi nito. " sana all." medyo na lungkot ang boses.

" Oy, bakit ka naging malungkot?" kunot noong tanong ko.

" Buti ka pa may level up kayo ng crush mo." malungkot na sabi niya.

" Bakit may nagugustuhan ka na ba?" tanong ko.

Tumango ito bilang sagot. " Sino?" curious na tanong ko.

" I will tell you but promise me you won't tell this to anyone, okay?"

Tumango ako at ngumiti. Tinaas ko pa ang kamay ko animong nangangako. " Promise!"

" Lagi ko na siyang pinagmamasdan. Lagi siyang seryoso at hindi ngumiti pero kahit na ganon mas lalo lang siyang gumagwapo sa patingin ko." pinagmamadan ko ang emosyon sa mukha niya habang nilalarawan niya ang taong gusto niya.

I knew that look. She likes that guy..

" Nagpriprisinta pa ako na tulungan ang teacher natin sa pagbubuhat ng gamit para madaanan namin ang room niya at makita siya. Gusto kong lapitan tuwing lunch pero nahihiya ako."

" Alam mo kung mahihiya ka walang mangyayari. Hindi uusad ang love story niyo. Sino ba kasi 'yan? Baka pwede kitang tulungan." nakangiting sabi ko.

Tumingin siya sa akon. " Ang taong gusto ay si..."

Unti unting nabura ang ngiti sa labi ko nang marinig ko kung sino ang gusto niya.

" Draven.."

**

Kumain kami sa isang magarbong restaurant. Tiningnan ko ang menu na inabot ng waiter para pumili ng pagkain.

Namilog ang mata ko sa presyo. " Umm, ano, pwedeng tubig na lang sa'kin?"

Tiningnan ako ni Kyrie. " Umorder ka ng kahit anong gusto mo."

" Mahal masyado dito Mr. Garcia at wala akong perang pambayad."

" Ako ang magbabayad so don't worry." tiningnan niya ako ng masama. " and didn't I tell you not to call me Mr. Garcia? Call me Kyrie instead."

" Pero-"

" No buts. Just order, please, Molly Yssable." napabuntong hininga nalang ako.

Nang makapili ako ng order ay sinabi ko na sa waiter. Tinanong pa ako kung ano pang gusto ko pero umiling ako. Tama na sa'kin iyon.

Umalis na ang waiter pagkatapos kinuha yung mga order namin.

" Paniguradong tayo ang talk of the town bukas, Kyrie. Anong gagawin natin baka kung ano ang isipin nila at baka-"

" Will you please stop thinking about that." seryosong sabi ni Kyrie kaya napatigil ako sa pagsasalita.

" I-iniisp ko l-lang naman, Kyrie. Ikaw ba? Wala ka bang pakialm sa sasabihin ng mga tao? Na kasama mo yung empleyado mo?"

Nakatingin lang siya ng deretso habang nagsasalita ako kaya na-concious ako. " I don't really care about what they say. Isipin nila kung anong isipin nila. I don't give a fuck. All I care is you."

Napakurap kurap ako sa sinabi niya. Bumilis din ang tibok ang puso ko. Shit!

" Edi wow. Sana all walang pakialam." sabi ko na lang. ano ba ang dapat kong sabihin?!

Narinig kong tumawa si Kyrie. Tiningnan ko siya ang masama. " You never changed, huh, Molly Yssable? Ganyang ganyan ka tin nung mga highschool students palang tayo."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. " So naalala mo?"

" Bakit naman hindi ko maalala 'yon?"

" Wala lang. Akala ko kasi wala lang halaga sayo iyon." baliwalang sabi ko but deep inside kinakabahan ako.

" Funny. I still remember every single details of our highschool memories. All memories that we share are still fresh in my mind. Paano mo nasabing walang halaga 'yon sa akin? Anong akala mo sa'kin makakalimutin? I am offended right now, Molly Yssable."

" Aba, malay ko bang naalala mo." sabi ko sa kanya.

" How about you? Naalala mo pa rin yung mga pinagsamahan natin dati?" taas kilay na tanong  niya.

" Of course!"

I saw his lips formed a smile. Mukhang nasiyahan siya sa sinabi ko. " That's good to hear that, kasi ako hindi ko makakalimutan iyon kasi nandon ka. Hindi ka madaling kalimutan.." sabi niya. Hindi ako makasagot buti na lang ay dumating na yung pagkain na in-order namin. Dahil kung hindi, hindi ko alam ang isasagot ko!

Ano bang talagang nangyayari?! Bakit naging ganito si Kyrie?!

Pero sa totoo lang merong parte sa akin na natutuwa na naalala niya ako.

And now I'm starting to get my hopes up.. I'm starting to assume that maybe.. just maybe that I can have a chance to be with him..

**

Unrequited LoveWhere stories live. Discover now