Chapter 02

"I'm okay." ngunit napahawak na lang ako sa ilong ko ng may naramdaman akong tumulo.

" Hala! Hala! Bro, may dugo, bro!" nagpapanic na yung kasama nung gwapo.

Shit! Takot din ako sa dugo!

Hindi ako makagalaw habang pinagpapamasdan ang kamay kong may dugo.

Naramdaman ko na lang na binuhat ako nung lalaki.

" W-where a-are we g-going?" kahit nanginginig ang boses ay nakuha ko pa ring magtanong.

Narinig ko pa na tinawag nung nakatama sa'kin yung lalaki.

" Clinic." simpleng sagot niya at hindi tumitingin sa'kin.

" B-lood.. I-I'm a-afraid of b-b-blood.." sinigpitan ko ang hawak sa kanyang uniform niya.

Hindi siya sumagot ngunit mas bumilis ang paglalakad niya at narinig ko pang napamura siya.

Nang makarating kami sa clinic ay agad niya akong binaba sa isa sa mga kama at agad akong inasikaso ng nurse.

Nanginginig ako ng makita ko ang dugo ko sa bulak na hawak niya. Hindi ako makagalaw ngunit may isang kamay ang tumakip sa mga mata ko.

" Don't look." seryosong sabi nito. Dahil nga nakatakip ang kamay niya sa mata ko ay hindi ko na nakikita yung dugo na dahilan para umayos ng onti ang pakiramdam ko.

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa mata ko para kumuha ng suporta dahil hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako.

Nang matapos ang nurse sa paglilinis ng dugo sa may ilong ko. Tumigil na rin ang pagdudugo na siyang pinagpasalamat ko.

Tiningnan ko ang lalaki na nakikipag usap sa nurse. Nang matapos siyang makipag usap ay lumapit siya sa'kin.

" Magpahinga ka muna dito. Ako na ang magsasabi sa mga prof mo kung bakit ka hindi naka-attend sa class." tumalikod na ito. Ha? Paano niya sasabihin e hindi niya naman ako kilala?!

" Teka! Ako nga pala si Molly Quiozon." pakilala ko ngunit tuloy tuloy lang siya sa paglalakad.

Hindi man lang ba siya magpapakilala?

Nasa may pinto na ito ng lumingon ulit ito sa'kin.

" Kyrie." ani nito at lumabas na ng clinic.

Napangiti na lang ako.

Kyrie, huh?

**

Sobrang busy ko ng mga nakaraang araw. Meeting doon, meeting dito. Walang katapusang meeting.

Minsan kailangan ko pang mag over time para tapusin ang trabaho dahil ayaw ni Mr. Garcia nali-late.

Lagi kong sinisiguradonh nakaayos ang mga schedule niya dahil araw-araw niyang tinatanong sa'kin iyon.

At tuwing may may pinapatanggal siya sa nga meeting mas lalo akong na ii-stress.

Ayon ang mga naranasan ko sa isang buwan kong pagtratrabaho sa kanya. Wala naman akong reklamo dahil malaki naman ang sweldo at isa pa ay kailangan ko ng pera.

Kumatok ako sa may pinto ng opisina niya. Walang sumagot kaya napagpasyahan ko na pumasok na lang.

Nakita kong nagbabasa naman siya ng papeles. Sa isang buwan ko ng pagtratrabaho dito ay isa lang talga ang masasabi ko. Masyadong nasipag si Mr. Garcia.

Lagi siyang huli kung umuwi kaya naman lagi din akong huli umuwi dahil baka may iutos siya. Kapag umuwi ako ng maaga wala siyang uutusan lalo na kung overtime siya. Sino namang uutusan niya dito? Multo?Minsan nga lang ay nauuna ako sa kanya kasi sinasabi niya na mauna na ako.

Muka na nga siyang papeles e. Naiisip ko nga rin na baka sa panaginip niya nagbabasa pa rin ito ng papeles.

Lihim akong natawa sa isip ko. Na-iimagine ko tuloy na nagbabasa talaga siya ng papeles. Siyang siya!

Narinig ko ang pagtikhim kaya naman napabaling ako kay Mr. Garcia na ngayon ay nakatingin na sa'kin.

Agad akong napaayos at tumikhim bago magsalita. " Kumatok po ako pero wala pong sumagot kaya po pumasok na po ako. Itatanong ko lang po sana kung anong gusto niyong lunch?"

Tumingin ai Mr. Garcia sa relo. Mukhang di niya namalayan na lunch na.

" No need. I'm ful-"

" Wala po kayong kinain buong araw kundi magkape lang." tiningnan ko ang tasa sa may table niya. "Oorder po ako ng pagkain nyo sa isang restaurant."

Napataas pa ito ng kilay sa sinabi ko. " Are you bossing me around?"

" No sir. Inaalala ko lang po na baka magkasakit kayo. Kapag nagkasakit kayo hindi kayo makakapasok at matatambakan ako ng mga gawain pati na rin po kayo. Baka rin mamatay ho kayo dahil hindi po kayo nakain kaya wala pong nagpapasweldo samin."

" You are bossing me around earlier and now your threatening me?" seryosong sabi niya ngunit may tinatagong ngunit sa labi nito.

" I'm going to order your lunch." hindi ko pinansin ang sinabi niya.

" Okay, then." nasa may pinto na ako at palabas ng magsalita ulit ito. Napabaling ulit ako sa kanya dahilan upang magtana ang aming pangingin. " Make it for two person."

Two? Nagtataka man ngunit tumango na lang.

Umorder na ako ng pagkain. Hindi nagtagak ay dumating na agad yung pagkain.

Tiningnan ko isa-isa ang mga pagkain. " Psh, ano naman kung may kasama siya. Pake ko."

Kinuha ko ang paper bag na may lamang pagkain at agad na dinala sa may opisina ni Mr. Garcia.

Hindi na ako kumatok at dere-deretso na ang pagpasok ko. Inilapag ko sa table niya ang pagkain.

" Here's your lunch, Mr. Garcia. Eat well." ani ko at tumalikod.

" Sit." Huh?

Bumaling ako sa kanya. Nakita kong inilalabas niya na ang lahat ng pagkain sa paper bag.

Tumingin ito sa'kin at binigyan ako ng nagtatakang tingin. " Why are you still standing there? Let's eat."

Nauna na itong umupo at nagsimulang kumain. Wow, nag aayang kumain pero nauna na. Grabe, napaka gentleman mo naman po.

Ngunit nakita ko na lang ang sarili ko na kumakain kasama niya.

Susubo na sana ako ng kanin ng may bigyang may pumasok. Sabay kaming napalingon sa may pinto.

Gulat na gulat ako ng makita ko ang isang pamilyar na mukha. Nakangiti ito kay Mr. Garcia at nang bumaling naman ito sa'kin ay na nawala sa muka ang ngiti at napalitan ng gulat.

What the hell?

**

Unrequited LoveWhere stories live. Discover now