Chapter 10

" You'll be fine.."

Tiningnan ko siya ng masama. " Anong you'll be fine ka d'yan?! You'll be fine-yin mo yang mukha mo! Baliw ka ba?!"

Napatikip naman siya sa tenga. " Will you stop shouting? Nakakabingi e."

" Hoy, Kyrie, ako ba'y pinagtritripan mo? Gabi na ng pumunta sa bahay at hinigit ako sa kung saan. Pinagsuot mo pa ako ng ganito at malalaman kong dadalhin mo ako sa bahay niyo!"

" Kaya nga hindi ko sinabi kasi alam kong hindi papayag e." tingnan mo 'tong lalaking 'to!

" Ayoko! Ayoko! Uuwi na ako." lumabas na ako ng kotse niya ngunit sinundan niya at hinatak papasok sa bahay!

" Kyrie, isa! Tatamaan ka talaga sa'kin." pero parang wala lang siyang pakialam sa sinabi ko. Nagpupumiglas ako habang si Kyrie ay halatang naiinis na.

" Kyrie, anak?" napatigil kami sa pagtatanong ng may nagsalita.

Isang gwapong lalaki. Mukang may edad na ito ngunit kahit na ganon ay masasabi kong napaka gwapo pa rin niya. Paniguradong mas gwapo pa ito nubg mga kabataan niya.

" Dad."

" Pumasok na kayo." tiningnan niya ako at ngumiti.

Alanganin naman akong ngumiti. " Hello po. Good evening po."

" Hello, hija. Pumasok na kayo ni Kyrie. Kanina pa namin kayo hinihintay." nauna na itong maglakad sa'min.

Nagkatinginan kami ni Kyrie bago niya ako hinila kaya wala na akong nagawa.

Tahimik kami habang nahaupo na sa long table. Grabe, di ko ine-expect na sobrang yaman pala nitong si Kyrie.

Hindi sila nagsaaalita kaya medyo na-concious ako. Birthday 'to ah? Ba't walang tao?

Bale lima kaming nandito. Magkatabi kami ni Kyrie at sa kabila naman ay ang nanay niya at ang isa niyang kapatid na lalaki at sa gitna naman namin ang tatay ni Kyrie.

Tinanong ko pa si Kyrie kung bakit walang tao pero sabi niya hindi nagpaparty ang tatay niya. Family dinner lang.

Family dinner pala e, ba't nandito ako?

Tumingin ako sa daddy ni Kyrie. Ngumiti naman ito sa akin. " You're Molly, right?"

Nagulat naman ako. Wow, kilala niya ako.

" Kilala niyo po ako?" gulat ma sabi ko.

Tumawa naman ito sa naging reaksyon ko. " Syempre naman, araw araw ko ba naman nariri-"

" Dad." biglang nagsalita si Kyrie sa tabi ko.

Natawa naman ang tatay ni Kyrie. " Alright, alright."

Mukhang tawang tawa siya dahil nakikita niya ang anak niyang napipikon.

" You can call me Tito Bryan. This is your Tita Helen and Drayven." tiningnan ko ang nanay at kapatid ni Kyrie.

Ngumiti ako. " Hello po. Molly na lang po."

Ngumiti din ang nanay ni Kyrie sa akin. " It's nice to meet you, hija."

Hindi man lang ngumiti yung kapatid ni Kyrie. Mukang mas nakakatanda ito sa kanya at mukhang masungit. Mas masungit pa kay Kyrie.

" Let's eat."

Dahil sa sinabi ni Tito Bryan ay nagsimula na kaming kumain ng tamihik.

" Do you want this, Kyrie?" biglang nagsalita si Tita Helen. Inaalok niya ito ng pagkain.

Unrequited LoveWhere stories live. Discover now