Eight

4 1 0
                                    

Chapter 08

Napatigil ako nang makita ko si Kyrie nakatayo malapit sa gate ng school.

Maagang umuuwi ang mga 4th year ah? Ba't nandito pa siya?

Agad ko itong nilapitan. " Uy," nagulat pa siya kaya natawa ako.

" Anong ginagawa no dito? Kanina pa labasan ng 4th year ah?" tanong ko sa kanya.

" May naiwan lang ako kaya bumalik ako."

Tumango ako. " Ahh, akala ko naman hinihintay mo ako." biro ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot at nagsimulang maglakad. " Oy! Hintayin mo ako!" tumakbo ako palapit sa kanya.

" Hatid mo ako."

Tiningnan naman niya ako." Asa."

" Wala akong kasabay e, nauna na kasing umuwi yung kapatid ko e. Di ako sanay ng mag-isa lang." totoo naman kasi. Takot akong mag-isa lalo na kung madilim na.

Napatigil naman ito sa paglalakad kaya napatigil din ako. Tiningnan ko siya. Nagtataka kung bakit siya tumigil.

" Ano?" inis niyang sabi.

" Ha?" anong ano? Gulo naman nitong kausap.

" Akala ko ba gusto mong magpahatid? Di ko alam kung saan ang bahay mo." inis niyang sabi. Napatigil ako sa sinabi niya.

" Ihahanatid mo talaga ako?!" gulat na gulat ma sabi ko.

" Okay, sige, nagbago na pa-" hinila ko ang braso niya para hilahin papunta sa kabilang daan.

Hindi ko binatawan ang braso niya dahil natatakot ako sa dilim at syempre simpleng tsansing na rin.

May ilaw naman kahit papaano sapat na para makita mo yung dinadaan namin pero natatakot pa rin ako. Landi!

Nasa loob kasi ang lokasyon ng school at malayo ang highway kaya naman minsan may mga estudyante na sumasakay ng sidecar. Pero hindi ako nasakay doon dahil nagtitipid ako. Pwede ko namang lakarin e.

" Hindi mo ba tatanggalin ang hawak mo sa braso ko?" nagsalita ito bigla.

Tiningnan ko siya. " Ayoko, baka mamaya tumakbo ka na lang bigla at iwanan ako." talaga naman e, baka mamaya topakin ito at tumakbo bigla at iwan ako mag isa.

" Tsk, di ako ganon."

" Ah, basta, wag ka na umangal diyan. Puro buto naman yung braso mo e."

" Anong sabi mo?!" naiinis na sabi nito.

Sinimangutan ko siya. " Grabe, magkatabi lang tayo di mo pa 'yon narinig."

" Hoy babae, hindi mo pa nakikita na malaki yung biceps ko. Iuntog pa kita dyan e." inis na nitong sabi.

Patago akong natawa. Grabe hindi ko alam na may cute side pala ang isang Draven Kyrie Garcia.

Mas ginanahan pa tuloy akong asarin siya. " Biceps? Ito na ba yon?" tinuro turo ko pa ang braso niya, " Parang wala naman e."

Mukang galit na talaga si Kyrie. Binawi niya ang braso niya pero mas hinigpitan ko pa ang hawak ko. " Joke lang! Joke lang! 'To naman di mabiro!"

Inirapan niya ako at tumigil na sa pagpiglas. Tiningnan ko ang braso niya. Inaasar ko lang siya na buto buto siya pero ang totoo, sobrang laki nung biceps niya. Grabe, lagi siguro itong nag-gym.

Wala sa sarli kong kinagat ito kaya napagisigaw si Kyrie. Agad akong bumitaw sa kanya at tumakbo palayo.

" Hoy babae! Bumalik ka dito!" habol niya sa'kin. Pinagtitinginan na kami ng mga naglalakad ding estudyante.

Habang ako, tawang tawa havang tumatakbo.

Grabe, ang sherep! Char!

**

Gabing gabi na ako nakauwi kaya naman late na akong nagising.

Nagmadali akong mag ayos. Hindi na ako kumain ng breakfast dahil late na talaga ako, walang halong biro!

Pawis na pawis ako habang natakbo papasok sa loob ng building. Agad akong pumasok sa loob ng elevator.

Shit! Shit!

Napahawak na lang ako sa ulo ko sa sobrang inis. Nag alarm naman ako kaso sa sobrang pagod ko ay hindi ko narinig ang alarm!

Ginising ako ni mama pero late na talaga ako.

Nakita ko si Cali na sineyasan ako. Tinuro niya pa ang opisina ni Mr. Garcia.

Shit!

Alam ko ang ibig sabihin ng sentas na yan. Inilapag ko ang bag ko bago naglakad papalapit sa opisina ni Mr. Garcia.

Nakailang mura muna ako sa sarili ko bago kumatok. " Come in." ani Mr. Garcia gamit ang baritonong boses.

Unti unti akong pumasok. Agad na nagtama ang paningin naming dalawa. Dahan dahan akong naglakad palapit sa table niya habang seryosong nakatingin sa'kin.

" Sir, I'm so-"

" You're late, Mr. Quiozon." napalunok ako sa lamig ng boses nito.

" I'm sorry, sir." nahihiyang sabi ko.

" You're my secretary and you suppose to be here in 6:00 am but it's already 7:30 am! Saan ka makakaita ng secretary na ganito pumasok!" galit na sigaw nito.

" I'm sorry, sir. Nalate po kasi ako ng gising sa sobrang pagod at-"

" So ayan ang reason mo? Nalate ka ng gising? Ayan talaga ang ibibigay mo sa'akin na dahilan, Ms. Quiozon?"

Napakagat ako ng labi sa sinabi niya. " Tinanggap kita dito dahil alam kong mahalaga sayo ang trabahong ito dahil gusto mong matubos ang bahay niyo. Kung ganito ka kung magtrabaho wala ka ring mapapala, Ms. Quiozon."

" If you can't do your job properly, just quit." malamig na sabi niya. Nanggilid ang luha ko sa sinabi niya.

Tumingin ako ng deretso sa mata niya at pekeng ngumiti. " I'm really sorry, sir. Hindi na po ulit mauulit."

Tiningnan niya ako ng seryoso." You better be.. Wag mo akong bigyan ng dahilan na pagsisihan na tinanggap kita sa kompanya ko."

Lumabas ako ng opisina nito at kasabay noon ang pagbagsak ng hula kong kanina ko pa pinipigilan.

You really know how to hurt me so bad, huh, Kyrie?

**

Unrequited LoveWhere stories live. Discover now