03: Tayong Dalawa

174 2 0
                                    

Hindi mo obligasyon ang ayusin ako
Obligasyon mong hawakan ang kamay ko
Habang inaayos ko ang sarili ko
Ngunit ika'y nakita ko

Nakita ko na masayang hawak ang kamay n'ya
Pinagsasaluhan ang masasayang alaala
Habang magkasama kayong dalawa
Habang sa malayo ay tinatanaw ko kayo na magkasama

Luha at panginginig ng aking tuhod ay hindi ko mapigilan
Lalo na nang aking masilayan,
Na inyong pinagsasaluhan ang matatamis na halik gaya ng ating nakaraan
Tunay nga ang iyong tinuran
May bago ka na ngang hinahangaan.

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Where stories live. Discover now