30: Alaala

24 0 0
                                    

Sa labas ng bintana,
Tanaw ang panahong kalmado,
Nababalot ng ingay ang silid na ito,
Abala ang mga tao

Habang sa gilid, ako'y matatagpuan mo,
Nakikinig ng musika habang nagbabasa libro,
Hindi alintana ang ingay ng mga tao,
Napahinto ako sa pagbabasa.

Biglang sumagi sa isip ako ang alaala nating dalawa
Natatawa tuloy ako at napapatanong kung kumusta ka na
Kay tagal ng panahon mula nang tayo ay nagkita
Hindi mawaksi sa isip ko ang katanungang, ako pa rin kaya?

Walang araw na hindi ako naghintay sa pagbabalik mo
Madalas sumagi sa isip ko kung bakit ba tayo napunta sa sitwasyong ito?
Ani mo'y ako ang pahinga mo
Ngunit ako rin ba ang dahilan ng pagkapagod mo?

Pareho tayong nagsakripisyo
Siguro nga hindi mo kayang lumaban kasama ako
Hanggang dulo
Siguro nga'y kapalaran natin ito.

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Where stories live. Discover now