12: Tatlong Hakbang Mula Sa Likuran Mo

47 0 0
                                    

Isang hakbang ang ginawa ko ng ika'y makita.
Nakatalikod may alam kong ikaw iyan.
Pag aalinlangan, nabubuo sa loob ko.
Maging takot at kaba'y 'di ko natakasan.

Dalwang hakbang, aking ginawa.
Masaya ako dahil isang hakbang na lamang.
Namumuo ang tuwa at kilig sa akin.
Ngunit tila ay may mali akong nararamdaman.

Tatlong hakbang, huling hakbang at nasa likuran mo na ako.
Ang kaninang saya ay labis na lungkot pala.
Pagkat ika'y aking nasilayan may kasamang iba.
Tila ang saya n'yo, sayang tila sa kanya mo lamang mararamdaman.
'Pagkat turing mo sa aki'y kaibigan lamang.

Tatlong hakbang mula sa likuran mo.
Akala ko'y saya ngunit pagtangis pala.
Ang inakalang saya ay pagluha pala.
Masaya ka na pala sa iba, habang ako'y umaasa na magiging tayo pa.

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Where stories live. Discover now