27: Aking Sinta

28 0 0
                                    

Sinta ko, handa akong magsakripisyo
Huwag ka lamang mawalay sa tabi ko
Manatili ka hanggang dulo
Iyan lamang ang tanging pakiusap ko

Susugal ako huwag ka lamang lumayo
Hindi ko makakaya na makita kang may kayakap na iba
Iisa-isahin ko ang mga tala kung iyon lang ang paraan upang matahak ang daang kay dilim
Papunta sa iyong piling

Ikaw ang pahinga sa nakakapagod na mundo
Isasakripisyo ang lahat para sa 'yo
Kahit sa imahinasyon ikaw ang sandigan ko
Ikaw ang kabiyak ko, reyalidad man o pantasya hindi ako magsasawang mahalin ka

Kay sakit isiping kahit sanlibong salita man ang ialay ko sa iyo
Kahit ubusin ko man ang sarili ko sa 'yo
Hindi sapat ang lahat ng aking sakripisyo
Upang ika'y manatili sa tabi ko
Lumuha man o magmakaawa

Hindi naging sapat ang lahat upang masuklian mo ang mga binigay ko
Tatanawin na lamang ang mga tala
Mula sa malayo, hinihiling na sana ay muling makasama ka
Aking sinta

Mananatiling ikaw ang tinitibok ng puso ko
Mananatiling ikaw ang gustong makasama ko
Mananatiling ikaw ang mamahalin ko
Kahit pa mamatay ako matupad lamang ang mga pangarap mo.

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Where stories live. Discover now