07: Pangako

91 0 0
                                    

Pangakong binitawan mo sa harapan ko.
Mga pangakong sinabi mo ay tutuparin mo.
Mga matatamis at kapani-paniwalang salita mo,
Ang s'yang daan upang ako'y mabihag mo.

Sinta ko, maaari ba nating kalimutan ang nakaraan?
At ibalik ang lahat, iyong mga masasayang karanasan.
Mga tawanan at iyakan na ating pinagsaluhan,
Mga matatamis at nakakatuwang mga katagang iyong binitawan.

Mga pangakong iyong binitawan,
Na sabi mo ay iyong tutuparin sa akin.
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana para sa atin.
Mga pangakong sabi mo sa akin mo tutuparin,
Ngunit ikaw ngayo'y nakatayo sa altar at masayang tinutupad sa kan'ya ang mga pangakong sinabi mo sa akin.

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin