32: Buhay

24 0 0
                                    

Hiling ko'y samahan ako sa laban ko
Ngunit sugat lamang ang natanggap ko
Yakap ang nais ko
Pero ako'y tinulak mo

Hindi ko hinihiling na ako'y ayusin mo
Pakiusap ko'y hawakan mo ang kamay ko
O kahit man lang manatili ka sa tabi o likod ko
Maramdaman ko lang sanang hindi ako nag-iisa sa labang ito

Kailangan ko ng yakap mo
Kailangan ko muli ang halik mo sa pisngi ko
Hinahanap kita sa mga kwarto sa bahay mo
Ngunit litrato mo lang ang nasilayan ko

Hindi ba sapat ang pagmamahal na ipinaramdam ko?
Kung hindi ko napunan lahat ng nais mo
Bigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon
Upang punan lahat ng pagkukulang ko

Handa akong lumuhod at magkaawa
Upang bumalik ka sa piling ko
Ipahayag mo lamang ang damdamin ko
'Pagkat ako'y nangungulila na sa iyo

Hindi na kayang paglaruan ng isip ko ang salita
Ubos na rin ang tinta ng aking panulat
Wala na ring natitirang pahina
Madilim na ang daan
Kinain na ng kadiliman ang kaliwanagan

Namatay na ang sindi ng kandila ko
Wala ng saysay ang mga hiling ko
Ubos na ang boses ko
Paalam na, mahal ko
'Pagkat suko na ako.

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Where stories live. Discover now