Ako'y natutuwa
Kapag nakikita
Iyong mga mata
Na kung kumurap animo'y isang talaAng paborito kong pahina
Ikaw ang gusto kong paksa
Sa mga sinusulat kong nobelaAng aking pantasya ay kay ganda
Doon ay kasama kita
Hinihiling na sa reyalidad
Nasa tabi na kitaAyokong isarado ang pahina
Na ating sinulat at pinagsama.
Masakit isipin
Ngunit heto na tayo sa puntong
Mawawala na ang ikaw at ako.Bakit ba kay daya mo?
Sabi mo ay maghihintayan tayo
Bakit nagkaroon ng kayo?
Tuluyan na ba talagang maglalaho ang salitang tayo?Irog ko, ikaw pa rin ang paboritong pahina ko
Sa masakit na mundo, ikaw lang ang pahinga ko
Mapapagod ako pero hindi sa 'yo
Napapagod na ako sa mundong ginagalawan ko
Pero mananatiling ikaw ang pahingahan koKahit pa iba na ang tahanan mo
Nais ko pa ring umuwi sa 'yo
Kahit pa alam kong ang puso mo'y iba na ang gusto
Kahit pa batid ko ring iba na ang inuuwian mo, iba na ang tahanan moNaghihintay pa rin akong magbukas ang puso mo
Para sa isang gaya ko
Sinta ko, pangalan mo pa rin ang naririnig ko
Sa tuwing tumitibok ang puso koHindi ko man magawang palayain ka
Pero wala akong ibang pamimilian kundi ang ipaubaya ka
Nawa'y maging masaya ka sa kan'ya
Magiging masaya ako para sa 'yo
Lalo na't alam kong s'ya ang kasiyahan moHeto pa rin ako, humihiling kay bathala
Na sana sa susunod na habang-buhay
Tayo naman ang maging masaya at nang ating matapos ang sinusulat nating pahina.
YOU ARE READING
Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)
PoetryLahat ng salitang nabuo sa saya, lungkot, at galit ay ginawang tula. Pagkadurog, pagsasaya, pagkagalit, o pagkapuot ay gagawing tula. Kukuha ng panulat at papel, lalaruiin ang mga salita upang makabuo ng isang tula.