11: Relasyon

52 0 0
                                    

Maling mahulog sa taong may karelasyon.
Masisira iyong relasyong iniingatan nila.
Relasyong kapag nasira'y 'di na maibabalik pa.
Sakit at paghihirap mararanasan ng isa,
habang ang isa ay magpapakasaya sa bago nya.

Maging pagdurusa at pagkalugmok,
Mararanasan nya.
Walang masamang umibig.
Ang masama'y sa taong may karelasyong iba.

Sadyang mapaglaro itong tadhana.
Kaunting saya sa piling n'ya.
Labis-labis ang kapalit na pagdurusa.
Ngayo'y ika'y masaya habang ang puso ko'y sugatan pa.

Karapat-dapat ko bang maramdaman ito?
Itong sakit na dulot mo.
Dahil sa palagay ko'y hindi.
Ang s'yang pag tawa mo'y pagluha ko naman.

Pinalaya kita dahil mahal kita.
Dahil alam ko sa piling nya,
Ika'y magiging masaya.
Maging masaya ka sa piling nya.

Ngayon ika'y buo ko ng palalayain.
Aking sarili ay aayusin,
At higit pang mamahalin,
At uunahin.

Paalam irog ko.
Maging masaya ka sa bago mo.
Ako ang nauna,
Pero hindi ibig sabihin ako ang magiging wakas.

Nagustuhan ka lang n'ya noon,
At aksidenteng nagustuhan mo rin s'ya,
Habang tayo pa.
Mahal kita pero mas mahal mo s'ya.

Umibig lamang ako
Pero hindi ko akalain na sa pag-ibig mo.
Ako'y magbabago,
Dahil sa sakit na dulot mo.

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Where stories live. Discover now