09: Tula

72 0 0
                                    

Tayo'y gaya ng isang tula,
Minsa'y maaaring itugma,
Minsan nama'y kahit ipilit ay hindi na tama.
Hindi na tama, kasi hindi na magtutugma.

Mananatiling ikaw ang paksa,
Sa aking gagawing tula.
Mananatiling ikaw ang tinitibok ng puso ko,
Kahit ako'y saktan mo.

Noong tugma pa ang tulang ating ginagawa
Ngiti sa ating labi ay nakikita.
Ngunit ngayo'y alam nating dalawa
Tulang ating ginagawa'y malabo ng mag tugma.

Dahil ang mga salitang binibitawan natin sa isa't isa,
Ay hindi na tama.
Mga salitang hindi magtugma,
Dahil batid nating dalwa na tayo'y malabo na.

Nagkakalabuan na dahil pakiwari ko'y may iba na.
Ni hindi batid kung ako'y mahal pa ba.
O nakahanap na ng iba.
Isa tayong tula na magkaiba na ng ginagawang paksa.

Ang tulang ating ginagawa'y wala ng silbi,
Dahil ang ikaw at ako'y tuluyan ng mawawala.
Landas na ating tatahiki'y iba na.
Tinatahak ko ang landas ko ng mag-isa,
Habang sa pagtahak mo sa landas mo'y ika'y may kasama.

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Where stories live. Discover now