04: Regalo

127 3 0
                                    

May regalo ako sa iyo
Hindi ito mamahalin gaya ng inaakala mo
Pero huli na ito
Huli na itong regalo na matatanggap mo

Hindi ito bagay na matatapon mo kapag ayaw mo
Hindi ito yakap na matataboy mo
Hindi ito halik na mabubura mo sa pisngi mo
Ito ay isang salita na matatawag mong tula

Salitang maiiwan sa isip mo
At matatatak sa isipan mo
Na ako'y minahal at inibig mo

Salitang maiiwan sa isipan mo
At s'yang magpapaalala sa'yo
Kung gaano kasaya ang dating tayo
Kung gaano masisilayan ang ngiti sa mga labi mo,
Sa tuwing kasama mo ako

Isang munting regalo
Ang inihahandog ko sa iyo
At nais kong sabihin sa'yo
Ang salitang mahal kita pero tama na

Dahil panahon na para ang buwan mo ay mamaalam
Muling sisikat ang panibagong araw mo
At sa pagkakataong ito
Tuluyan ng maglalaho ang salitang tayo.

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Where stories live. Discover now