24: Pinaglaban Kita Ngunit Sumuko Ka

17 0 0
                                    

Tunay na ako'y nasasaktan
Ngunit kailan ko ba ito ininda sa iyo?
Isang yakap at halik mo ang solusyon
Upang mawala ang sakit na nararamdaman ko

Palayain ako?
Hindi iyan ang magwawaksi sa sakit na nararamdaman ko
Bagkus ay mas sasakit pa ang loob ko
Dahil ang taong sobrang minahal ko ay pinalaya ako

Hindi mo nais na makita akong tumatangis?
Kalokohan, hindi mo lang kayang punasan ang mga luha ko
Hindi paglaya ang solusyon upang tayo'y maging masaya
Kung sinamahan mo lang sana ako sa labang ito

Sinubukan mo sanang ipaglaban ako
Handa naman kitang ipanalo
Kaya ko ring ubusin ang sarili ko sa 'yo
Kaya kitang ipaglaban nang buong-buo at ipanalo hanggang dulo

Ano ba ang pakialam natin sa sinasabi nila?
Sigurado akong handa ka
Dahil pumasok ka sa relasyong ito ng walang duda
Handa akong sumugal pero bakit umayaw ka

Ipinaglaban kita hanggang maubos ako
Tumaya ako para sa labang ito
Ngunit ika'y umayaw at ako'y natalo
Pinaglalaban kita ngunit ako'y pinalaya mo

Sanlibong Salita Sa Loob Ng Aking Utak (Compilation of my poems)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ